Baron Geisler, pinagtripan sa kulungan?!

ADVERTISING

Baron Geisler, pinagtripan sa kulungan?!

Baron Geisler, pinagtripan sa kulungan?!

ADVERTISING

PSSST! POLITIKA, showbiz, scandal, swarding, tsika! Kaya umpisahan na naman ang tsika to the maximum authority of tsika! Nakakabuwang talaga sa earth ang pahayag ni Baron Geisler sa TV Patrol nu’ng isang araw na sinabi niyang matagal na pala siyang my sakit sa utak. He is suffering from bipolar disorder at apat na taon na itong nagpapagamot.

Ayon sa kanyang pahayag, “I have bipolar o may chemical imbalance, hindi ko po matanggap sa sarili ko na may gano’n akong problema. Iisipin nilang mental case ‘yan, alam mo ‘yun? ‘Wag na nating pagkatiwalaan ‘yan, baka biglang mag-snap.”

Ipinaliwanag din niya ang huling pagkakasangkot niya sa kontrobersiya, kung saan nanuntok siya ng kapit-bahay sa may tindahan at humantong ito sa kalaboso for 14 hours dahil sa tinapay sa tindahan na itinapon ni Baron.

ADVERTISING

Ayon sa kanya, “Please, maling-mali po ‘yun na bigla-bigla na lang akong nanapak ng kapit-bahay o lasing ako or nakainom ako.”

Ang nakakaloka, siya ang nambugbog pero siya ang maraming pasa. Ang binugbog niya, wala man lang galos kahit saang parte ng katawan. Nangyari kasi nu’ng nakakulong siya, pinagtripan siya ng mga kasamahan niya sa selda at pinagbubugbog. Balita nga na magdedemanda ang kampo ni Baron for iligal detention. Tungkol sa nangyari sa tindahan, aminado naman daw siya sa pagkakamali, pero sana ‘wag naman siyang husgahan agad-agad.

Ayon sa kanya, “Lahat ng ginawa ko, inaamin ko naman na mali ako at kasalanan ko, pero sana naman konting pag-intindi lang.”
Sa totoo lang, maawa ka rin kay Baron kasi sa tuwing malapit na siyang makaahon, may mga darating na naman na mga insidenteng magpapahamak ulit sa kanya. Para sa akin, wala namang taong likas na masama, at sa kaso ni Baron, mabait na tao ito, pero mahina lang talaga siya sa tukso at emosyon.

Hangad ko na maayos na ni Baron ang buhay niya, kasi isa ako sa humahanga sa batang ito na magaling na actor. Isa ako sa nanghihinayang sa kanya sa tuwing may bagong masamang balita sa kanya, at isa siya sa magaling na kabataang artista. Sayang naman kung masasayang lang nang ganito ang buhay niya.

Tulungan natin si Baron, ‘wag na nating masamin ang hindi naman dapat ikasasama, kasi lalong nade-depress ang bata. At sana gumaling na ang kanyang bipolar disorder, kung totoo man na ‘yan nga ang sakit niya. At hangad ko rin ang malawak na pang-uunawa sa kanya.

Sayang kasi ang ganitong mga talento na napupunta lang sa wala. More prayers for Baron. ‘Yun na!

 

MARAMING SALAMAT pala, sa kaunaunahang gift ko na natanggap mula kay Sen. Antonio Trillanes. Sana marami pang sumunod, hehehe! Nakakatuwa naman, kasi tinawagan pa ako ni Karen para batiin ako mismo ni Sen. Trillanes at pinarating niya na may gift daw siya sa akin bukod sa binibigay niya sa akin na gl letter para sa mga maintenance ko na gamot. Maaasahan mo talaga siya, ayaw niya ngang pasabi sa media na ganito siya tumulong.

Naalala ko tuloy nu’ng nabubuhay pa si FPJ na ‘pag may natulungan siya, ayaw nang may kamera at media sa harap niya. Mas mabuti raw ang lihim kasi bukal sa loob nila ang pagtulong, baka sabihin ka-sing malapit na ang eleksyon kaya sinabi ko ito. Sa totoo lang, may eleksyon o wala, matulungin talaga ito sa mga taong dapat tulungan, salamat ulit.

Mabuhay po kayo, Sen. Antonio Trillanes!

PITIK-BULAG: Sino itong magandang very controversial actress na may kinasasangkutan na namang gulo? Balita na nakulong siya sa ibang bansa kasama niya ang kanyang BF na may nakaaway na naman itong talyadang actress, at nakatagpo siya ng katapat.

Kasi ang nakaaway niya ay may sinasabi sa lugar na iyon at nakulong daw ng 24 hours kasama niya ang actor. Kaya lang ayon sa tsika, nagkaroon daw ng news blockout, para maprotektahan ang ginawang kamalasaduhan na naman ng butangerang actress. Parang gusto kung sumigaw ng Darna!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING