Baron Geisler, nasangkot na naman sa gulo sa isang bar

Screen Grab Of Baron Geisler
Screen Grab Of Baron Geisler

Headline na naman si Baron Geisler, matapos kumalat sa social media ang video kung saan makikitang sangkot sa gulo sa isang bar ang magaling aktor.

Sa nasabing video na ipinost ng Facebook user na nagngangalang Medmessiah CombatBoi, makikitang nakikipagkamay si Baron sa isa pang kostumer ng bar nang biglang paulit-ulit na sapakin ang aktor ng nasabing kostumer.

Nailayo at nahawakan si Baron Geisler ng mga tao bar bago pa siya makaganti, habang hinila naman palabas ng bar ang nakaaway niyang kostumer. Sa hulihan ng video, maririnig pang sinabi ng aktor na, “‘Yung sa akin lang, pare, dinisrespect niya yung…kaaway niya kanina.”

Ipinagtanggol naman ng isa pang Facebook user (CTTO) si Baron. Naroon daw siya nang mangyari ang nasabing gulo.

Aniya, “Si sir baron nakikipag inuman at kantahan lang. At yung amerkano kasi sigaw ng sigaw dun sa bartender ksi ang bagal daw ng cocltail ng kasama nyang girls.

“Si sir baron nag tanong lang “bro whats the problem? Can you confront the bartender properly you’re not the only person in this bar please lower your voice”.

“Sagot ng amerkano “f*ck you, sit down and mind your own f*cking business” si baron nag init nag tagalog na “gago ka pala ang bastos mo hindi mo ka close yung bartender pra murahin at utus ustusan mo na parang amo nya and even me, you dont have the right to curse me bastrad!” Sabay tulak at hagis ng upuan sa amerkano.

“Now naawat sila wala nangyare. pero nung pinagbati sila ng mga banda na nag pperform nag (wala) yung lalaking amerkano.

“Pinagtanggol ni sir baron ang bartender ksi binabastos at grabe yung pag sigaw ng amerkano nakakaistorbo.

“Kita naman sa video yung lalaking amerkano pinaaalis hndi si (Baron Geisler) dba?

“Baron only fight for the bartender and nakakaistorbo ksi yung amerkano. Kung sya yung nang gulo sya dapat yung pinaalis.”

By Parazzi Boy