Baron Geisler, na-trauma nang pasukin ng mga magnanakaw ang bahay

ADVERTISING

Baron Geisler, na-trauma nang pasukin ng mga magnanakaw ang bahay

Baron Geisler, na-trauma nang pasukin ng mga magnanakaw ang bahay
Baron Geisler

MABUTI NA LANG at wala ang aktor na si Baron Geisler sa kanyang bahay sa Angeles, Pampanga nu’ng pasukin ng mga magnanakaw ang kanyang bahay last week.

 
“Nasa Manila ako kasi meron akong meeting. Sabi ng mga kapatid ko, around 6 a.m. daw ay napansin ng mga kapitbahay na bukas ang gate at pintuan ng bahay ko na hindi sila sanay na ganu’n ako. Kasi kapag nasa bahay ako lahat nakasarado,” kuwento niya sa amin.
 
Baron Geisler, na-trauma nang pasukin ng mga magnanakaw ang bahay“Pwersahan nilang pinasok ang bahay ko. Gumamit sila ng kung anuman para sirain yung lock ko sa gate at yung lock ko sa main door.
 
“Yung mga ninakaw sa akin mga relos ko lang, anim o mahigit. Pero meron ding mga bagay na may sentimental value sa akin.
 
 “Nakakatakot.  Medyo traumatic kasi. Buti na lang wala ako don nung pinasok yung bahay. But still, God is good, Mama Leo,” kuwento ng aktor.
 
Patuloy pa ni Baron,  “Ang gamit ay gamit lang, pero ang buhay ay buhay. Sa kung sinoman ang nanloob sa bahay ko, pinapatawad ko na kayo dahil mukang mas nangangailangan kayo.
 
“Sa mga kapatid ko, sa mga kapitbahay, at mga pulis, maraming salamat din sa pag-asikaso at pagtulong sa pag-aayos sa mga ginulo ng mga nanloob sa bahay ko. Pinagdarasal ko na sana hindi na maulit itong pangyayaring ito sa akin at sa kahit sinoman,” sabi pa niya.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING