Baron Geisler mas lumutang ang kagwapuhan sa bagong hair cut

Leo Bukas

NAGBAGO ang itsura at lalong pumogi ngayon ang aktor na si Baron Geisler pagkatapos niyang magpaputol ng buhok na iningatan niya ng limang taon. Nakakatulong talaga ang clean cut sa itsura ng tao, huh!

“Five years din yung buhok ko na yon, ang tagal din. Ha-ha-ha!” lahad ni Baron sa amin.

May mga karakter  din daw siyang ginampanan  na talagang nagmarka sa mga tao dahil sa pagkakaroon niya nang mahabang buhok.

Baron Geisler mas lumutang ang kagwapuhan  sa bagong hair cut
Baron Geisler

“Nakatulong sa character ko yung hair ko dati, parang naging statement din kas siya like don sa role ko sa  Ang Probinsyano at sa Tililing. Kung hindi siguro ganun yung hair ko baka hindi rin ako nai-cast,” sambit pa ni Baron.

Eh, bakit nga ba siya nagpaputol ng buhok?

Sagot ng aktor, “Kailangan sa isang serye ng Viva na ilalabas sa TV5, eh, kaya ako nagpa-cut. Gusto ko rin ng new look at nire-require yon ng character na gagampanan ko.

“Ngayon nga, hindi na rin sila natatakot lumapit sa akin at  kausapin ako kasi pakiramdam nila ang bait-bait ko na dahil dahil sa bago kong hair,” natatawa pahayag ng magaling na aktor.