Baron Geisler, magpapakasal na sa non-showbiz girlfriend from Cebu

ADVERTISING

Baron Geisler, magpapakasal na sa non-showbiz girlfriend from Cebu

Baron Geisler, magpapakasal na sa non-showbiz girlfriend from Cebu
Baron Geisler with girlfriend Jamie Marie Evangelista

sa amin ni Baron Geisler in a phone conversation na magpapakasal na siya any time sa kanyang non-showbiz girlfriend na isang psychologist.

Sa Cebu City na naka-base si Baron at ang GF niyang si Jamie Marie Evangelista.

“Tapos na kami sa engagement part. Three months ago pa yon,” balita niya sa amin.

Kuwento pa ni Baron,“Psychologist si Jamie. She works sa rehab, freelance psycho therapist siya. Kinukuha siya ng mga rehab center para tumulong sa mga addict at alcoholic.”

ADVERTISING

Suportado rin daw siya ng girlfriend nung panahong walang-wala siya.

 “When I had nothing, wala pa yung barber shop ko, nung walang-wala ako she supported me. Kasi ang buong pag-aakala ko wala na akong babalikan sa showbiz, kaya nagtayo na lang ako ng business, barber shop (Gents Barber),” sambit pa niya.

Matatagpuan ang Gents Barber sa 2nd level ng Gaisano Country Mall.

Eh, bakit nga ba nagdesisyon na siyang magpakasal?

“Pagod na ako sa laro, sa pag-party. Gusto ko na ring magkaroon ng sariling pamilya,” sagot niya sa aming tanong.

Kelan naman ang kasal nila ni Jamie?

“Pinaplano na namin yung tungkol diyan, pero wala pang date. May mga kailangan kaming bayaran, and then, baka it’s either next year or sooner. Bahala na si God, but we want as much as possible,” sagot ng aktor.

 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING