Baron Geisler, kailangang magtrabaho para sa may sakit na ina

ADVERTISING

Baron Geisler, kailangang magtrabaho para sa may sakit na ina

Baron-GeislerGUSTONG PASALAMATAN ni Baron Geisler ang PMPC Star Awars for TV sa muling pagpansin sa kanyang kakayahan bilang Best Supporting Actor nominee mula sa teleseryeng Nathaniel ng ABS-CBN.

“Iba siyempre ‘yung pakiramdam na nare-recognize ka at ina-acknowledge ‘yung effort mo. Nakai-inspire ‘yon, nakatataba ng puso,” sey ng aktor nang makausap namin sa telepono kamakailan.

Hindi raw naman siya nag-i-expect na manalo sa PMPC, pero malaking tulong daw ito sa trabaho niya if ever he wins.

“I’m not expecting, pero siyempre, I’m hoping,” biro pa niya.

ADVERTISING

Malungkot namang nabanggit sa amin ni Baron ang health condition ng kanyang nanay na si Mommy Grace. Pabalik-balik daw ito sa hospital for check-up and medication dahil may sakit ito sa puso at may problema sa kidney.

“Ayaw naman niyang magpa-confine. Gusto niyang umuwi rin ng bahay. Siguro naiinip siya sa hospital,” sabi pa ng aktor.

Dahil sa pangyayari, kailangan daw niyang makahanap pa ng mas maraming trabaho para masuportahan ang kanyang butihing ina.

“Ako lang naman ang inaasahan niya saka ‘yung sister kong nasa States (Amerika). ‘Yung ibang kapatid ko naman, meron na silang sariling pamilya. Kailangan kong magtrabaho para sa mama ko,” malungkot niyang pahayag.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING