Baron Geisler isiniwalat kung ano ang kanyang biggest regret sa buhay

Leo Bukas

MAY KINALAMAN sa yumaong ina ni Baron Geisler ang itinuturing niyang biggest regret sa kanyang buhay na ibinahagi niya sa vlog ni Toni Gonzaga.

“That night I was preparing to go to a five-day retreat. And I was sober for a while. So, I went to her room, nakaputi ako nito, long hair, may bigote, naka floral na shorts. And then when I said, ‘Mom, Baron here. Good boy. I’m gonna go to this retreat, I’ll see you when I get back.

Baron Geisler isiniwalat kung ano ang kanyang biggest regret sa buhay
Baron Geisler

“Parang sa pelikula, she tried to stand up and say something and sabi ko, ‘what is it?’ I sort of knew na this is it so kumuha ako ng penlight chineck ko ‘yung mata ni mommy. And slowly, slowly nagdi-dilate. That’s when I knew we lost her. I was there,” pag-alala ni Baron.

Nanghihinayang si Baron na hindi nakita ng mom niya bago ito pumanaw na he is a better man now pagkatapos ng kanyang mga pinagdaanan.

“My dream kasi noong time na yun was for my mom to see me clean. But a lot people are saying naman na… ang dami naman na nagsasabi ngayon na, ‘She’s proud of you now,’” sambit pa ng aktor.

Sana nga raw ay buhay pa ang mommy niya ngayon.

“May times nga na para akong baliw eh. I still say a little shoutout kay mom. I wish you were here. Kasi may baby ako na di niya naabutan, apo niya. Lahat ng mga anak ng kapatid ko naabutan niya.

“As we grow older, we evolve and hopefully we evolve for the better. I want to evolve to become a really, really good leader, a respectable man,” emosyonal pa niyang pahayag.