Baron Geisler, ini-enjoy na lang ang suspensyon, kahit sabik nang muling umarte

ADVERTISING

Baron Geisler, ini-enjoy na lang ang suspensyon, kahit sabik nang muling umarte

MATAGAL-TAGAL na ring walang proyekto ang aktor na si Baron Geisler. Halos apat na buwan na ang nakararaan nang patawan ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) ng suspension ang aktor dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan nila ng kapwa aktor na si Ping Medina at ni Direk Arlyn Dela Cruz.

ADVERTISING
Baron Geisler, ini-enjoy na lang ang suspensyon, kahit sabik nang muling umarte
Baron Geisler

Gayunman, mistulang masaya naman ang aktor dahil nakapagpahinga ito nang todo.

Inamin din ng aktor na sa kabila ng wala siyang proyekto ngayon, hindi siya gaanong namomroblema sa pera, dahil may natanggap siyang mana mula sa kanyang pumanaw na ina.

Kuwento niya, “Sabihin nating I’m taking a break din. May pinamana naman sa amin si Mommy. Pero mahal ko ‘yung trabaho ko at ang pag-arte.”

ADVERTISING

Matatandaang pumanaw ang ina ni Baron noong Enero dahil sa kanser at mga kumplikasyon. Pero tanggap na rin niya umano ang nangyari kahit pa masakit ito sa kanyang kalooban.

Dugtong pa ni Baron, “Wala naman tayong magagagawa eh, kinuha na siya ni God, eh. Kailangang maging matatag na.”

Subalit inamin din ng actor na nami-miss na niya ang pag-arte sa harap ng kamera bagama’t hindi naman talaga siya tuluyang nawala dahil may mga proyekto pa siyang natapos noong nakaraang taon na ipalalabas pa lang sa mga darating na buwan.

ADVERTISING