Baron Geisler, dinakma ang dibdib ni Cherry Pie Picache!

ADVERTISING

Baron Geisler, dinakma ang dibdib ni Cherry Pie Picache!NAGING PABORITONG USAP-USAPAN ngayon itong bagong Zodiac sign at nagulo tuloy itong bagong horoscope.

Ito ‘yung Ophiuchus na sumingit sa Sagittarius at Capricorn nga ang pinag-usapan namin sa Startalk nu’ng Sabado dahil may mga ilang artistang nag-react, dahil nabago na pala ang Zodiac sign nila. Mabuti na lang, ang sa akin na Taurus, ganu’n pa rin dahil hindi naman talaga mababago ng horoscope ang katigasan ng ulo ko, ‘no!

ADVERTISING

Si Katrina Halili pala ang hilig-hilig sa Horoscope kaya naloka raw ito na naiba na pala na dating Capricorn siya at naging Sagittarius na.

Pero ayon naman sa mga balita, itong pagbabago ng Zodiac sign ay para lang naman sa ipinanganak mula nu’ng 2009. Kaya tayo namang matatanda na, dedma na sana sa pagbabago na iyan at pagdagdag ng bagong Zodiac sign na iyan na hindi ko nga ma-pronounce nang maayos.

Reaction naman ng karamihang artista, hindi na sila nagpapaapekto sa kung sino namang nag-research na ‘yan at ayaw na raw nilang isiping magpapabago iyan sa takbo ng buhay nila.

ADVERTISING

Ang iba kasi, parang ibinabase talaga nila ang mga lakad kung ano ang horoscope nila ngayong araw. Kaya tingnan natin kung ano ang pagbabago sa pagpasok ng Ophiuchus na iyan!

ANO KAYA ANG Zodiac sign ni Baron Geisler at kung nabago kaya ito para mabago na rin sana ang ugali niya.

Naku, ‘day! May bago na naman pala siyang kabastusang ginawa sa taping ng Noah kamakailan lang. Ang kuwentong nakarating, lasing daw itong nagti-taping at iba na naman daw ang kilos niya.

Kapag nagti-take daw sila ni Cherry Pie Picache, medyo nagpaparamdam na ito na hindi na natataypan ng aktres kaya pinuprotektahan nito ang katawan niya dahil nakararamdam na raw siyang iba na ang hipo sa kanya ni Baron.

Bandang huli, hindi na raw nakapagpigil itong si Baron, biglang dinakma raw sa dibdib si Cherry Pie na ikinagalit siyempre ng aktres.

Kaagad na nagsumbong daw si Cherry Pie sa produksyon at nu’ng araw na ‘yun mismo, tsinugi na ang karakter ng aktor.

Pero galit na galit daw ang manager ni Cherry Pie na si Ed Instrella kaya nagpadala na ito ng complaint sa PAMI para maaksyunan na ito ng samahan naming mga talent managers.

Ang balak daw ni Cherry Pie, magdemanda at hindi raw nila palalagpasin itong ginawa ni Baron sa kanya.

Siyempre, kapag nawala na ang kalasingan ng aktor, iba na naman ang ugali niya at maamung-maamo itong hihingi ng sorry. Pero wala pa rin kasing pagbabago kaya tama ngang ituloy ni Cherrie Pie ito at dapat ngang suportahan din si Yasmien Kurdi sa pagpapatuloy ng kaso niya.

Sa Miyerkules ang susunod na hearing nito at kailangang sumipot na si Baron dahil huling chance na itong ibinigay sa kanya ng korte na harapin ang arraignment.

Hay naku! Sakit ng ulo na naman ito ni Arnold Vegafria!

Baron Geisler, dinakma ang dibdib ni Cherry Pie Picache! Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING