Baron Geisler, bitbit sa ibang bansa ang pangit na ugali! – Joey Sarmiento

ADVERTISING

Baron Geisler, bitbit  sa ibang bansa ang pangit na ugali! - Joey Sarmiento

ISANG AUSTRALIAN-BASED FRIEND namin ang nagsabi ng naging experience ng kanilang family kay Baron Geisler nang minsang nagpunta ito sa bansang ‘yon at naisama ng isang common friend para dumalaw at mag-dinner sa kanilang house.

ADVERTISING

Okay lang daw sana ‘yung nag-dinner sina Baron sa kanilang house pero ang hindi na-take nu’ng friend namin, e, nagdala pa raw ng alak du’n ang aktor at du’n nakipag-inuman. Bukod du’n, hindi pa raw nagkasya si Baron sa kanilang kinain at nag-uwi pa raw ito ng maraming food na ikina-turn off nang husto ng aming friend.

Tsk… tsk… tsk! Kung true man ang balitang ito, e, malala na siguro talaga ang tama ni Baron dahil kahit sa ibang bansa, e, nakararating na ang kanyang hindi magandang attitude. Kelan kaya matututo ang batang ito at lalo niyang pinapaliit ang kanyang mundo… hik!!!

NAKATIKIM PALA NG pagtataray sina Allen Dizon at Iza Calzado kay Direk Joel Lamangan habang sinu-shooting nila ang pelikulang Dukut: Desaparecidos.

ADVERTISING

Supposed to be ay mag-on ang dalawa sa pelikula pero nang hindi raw nakuha ni Direk Joel ang gusto niyang emosyon sa dalawa, e, napagsabihan niya ang mga ito lalo na sa ilang mga eksenang dapat ay inilalabas nila ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

Pagkatapos silang pigain ni Direk Joel, e, satisfied naman ito sa kinalabasan ng movie. Hindi naman ‘yon nakapagtataka dahil award-winning actor si Allen at hinahangaan naman ang acting prowess ni Iza.

Nakapanghihinayang lang dahil inindiyan ni Iza ang press preview ng Dukut sa UP kung saan karamihan sa mga nanood ay mga estudyante na pinalakpakan nang husto ang kanilang mga eksena, kahit itanong pa niya sa kanilang producer na si Dennis Evangelista.

‘Nga pala. Naikuwento rin sa amin ni Allen na sobrang naka-relate siya sa kanyang role sa movie dahil ang kanyang first cousin ay dinukut din, 25 years ago at hanggang ngayon ay isa pa rin itong unsolved case.

Sa true lang, after ng movie, e, ibang klase nang magsalita ngayon si Allen. Parang pulitiko na ang dating. Mukhang naka-influence sa kanya nang malaki ang naturang movie at si Direk Joel, huh! Tatakbo ba sa politics si Allen? Whatdayathink, kapatid na Dennis???

KUNG HINDI MAGBABAGO ang plano ay malapit nang mapanood si Faith Cuneta sa Resorts World Casino as their regular singer. ‘Yon ang dahilan kung bakit halos gabi-gabi, e, nakikita siya sa casino, hindi para maglaro kundi para makipag-usap sa mga taong namamahala ng entertainment sa lugar na ‘yon.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin tumitigil ang ilan sa pang-iintriga sa magaling na singer tungkol sa casino issue. Sabi nga ni Faith, kung naglalaro man siya ng poker, sa internet lang daw niya ‘yon ginagawa at hindi sa casino.

Kung hindi naniniwala ang ilan sa mga kasamahan namin sa panulat, e, abangan na lang nila si Faith kapag kumanta na siya sa Resorts World… pustahan?!

For reaction, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING