Baron Geisler, bastos ang text kay Yasmien Kurdi?

Baron Geisler, bastos ang text kay Yasmien Kurdi?GAANO NAMAN KATOTOO ang balitang sobra raw dinamdam ni Jiro Manio ang desisyong ipinataw sa kanya ng ABS-CBN, partikular ang Star Magic na siyang nangangalaga ng kanyang karir?

Nauna na nga rito ang pagkakatanggal niya sa Tayong Dalawa dahil nga sa pagiging unprofessional nito pagdating sa iskedyul.

Baliw na baliw nga raw sa pag-ibig ang batang aktor at obvious na mas pinili raw nito na pahalagahan ang buhay pag-ibig niya kontra karir.

Kaya lang daw ito nagdaramdam ayon sa nakausap namin, dahil sa parang hindi raw yata binigyan ng halaga ng mga kausap niya ang nauna nang kasunduan na bibigyan siya ng sapat na panahon para ayusin ang personal nitong mga suliranin.

“Basta na lang daw iniwan sa ere,” ang tsika pa ng kausap namin. Ang latest news pa nga raw, sa kabilang istasyon naman ito lilipat dahil mayroong mga direktor at production executives na nakahandang tumulong dito?

PATULOY PA RIN daw sa pagpapadala ng mga malalaswang mensahe sa text si Baron Geisler kay Yasmien Kurdi.

Ito ang karagdagang tsika na nakarating sa amin na siyempre pa, aming pinagtatakhan dahil aware naman siguro si Baron na kayang gamitin laban sa kanya ang naturang mga text messages?

Unless, talagang sumayad na sa lupa ang saltik o sayad niya para lalong ipahamak ang sarili, lalo pa’t may kaso nang isinampa sa kanya si Yasmien. And how true na kumuha na ng private security niya si Yas para 24-oras daw itong bantayan?

Nakakaloka!

SA KABILANG DAKO, nagluluksa pa rin ang showbiz dahil sa pagyao ng isa sa mga matatawag na haligi ng showbiz writing and talent managing.

Nakikiramay at nakikidalamhati nga po kami sa pagyao ni tatay Douglas Quijano, isa nga po sa matatawag naming mentors dito sa industriya at kapamilya pagdating sa kantiyawan at pagsuporta sa collegiate basketball.

Nalulungkot ang showbiz lalo na ang mga talentong kanyang mga natulungan at nabigyan ng magandang pangalan sa industriyang ito, kasama na ang mga manunulat na gaya ko’y humuhugot ng lakas at inspirasyon sa mga magaganda at mabubuting aral ng mga gaya nila.

Maligayang paglalakbay po tatay Douglas!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus