Baron Geisler, balak kasuhan ang nag-upload ng ‘beastmode video’ niya

Baron Geisler
Baron Geisler

Nagbigay na kanyang pahayag ang aktor na si Baron Geisler kaugnay ng viral video, kung saan nakuhanan siyang nasa ‘beastmode’ at sinusugod at ‘inaatake’ ang isang estudyante. In-upload sa Facebook ng UP student na si Khalil Verzosa ang nasabing video.

Ayon sa lumabas na pahayag ni Baron Geisler, ‘taken out of context’ ang nasabing video, at balak umano niyang kumonsulta sa kanyang mga abogado para panagutin ang nag-upload ng video.

Ani Baron, “The video was taken out of context, and because of that, I plan to consult my lawyers for the possible liabilities of the person who uploaded the video. Whose apparent intention is to exploit my already damaged reputation.”

Sa “Tonight With Boy Abunda”, sinabi ng host ng programa na si Boy Abunda na nakausap niya si Baron na dapat sana’y guest niya, pero nagdesisyon ang aktor na kanselahin ang nasabing guesting.

Sa pahayag ni Boy sa programa, “Ayon kay Baron, hindi scripted ang kumakalat na video. Hindi rin daw siya lasing nang mga panahong iyon. Sa katunayan daw ay nagkaayos sila nang araw na iyon. Ipinagtataka raw niya kung bakit pa ipinost at ikinalat ang video.”

Masamang-masama ang loob ni Baron. Aniya, napasama siya nang husto dahil sa video.

Sa interview sa kanya na lumabas sa mga newscast sa TV, sinabi niya na, “Pumitik lang po talaga ako. How I wish na social experiment po siya! It would be a dream, kasi maganda sanang plano po iyon, eh. But dahil dito, parang ako po iyong nasisira, eh. Ako po iyong napasama, nasasaktan po ako nang todo.”

By Parazzi Boy