Barbie Imperial excited sa kasal ni Ara Mina

Leo Bukas

MASAYANG-MASAYA ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial na engaged na si Ara Mina sa boyfriend nitong si Dave Almarinez. Si Barbie ay malapit na kaibigan ni Ara and they started to become close friend nung nagkasama sila sa ABS-CBN afternoon series na Araw Gabi.

Barbie Imperial excited sa kasal ni Ara Mina
Ara Mina and Barbie Imperial

“My ate is now engaged! congrats my ate, you deserve it, you deserve all the happiness in the world. I am so so happy for you ate! Can’t wait to see you in a beautiful white dress! I love you,” mensahe niya kay Ara na itinuturing niyang ate at bestfriend sa showbiz.

Present si Barbie kasama si Diego Loyzaga sa engagement party nina Ara at Dave na ginanap sa isang private restaurant noong January 12 ng gabi. Nando’n din si Teresa Loyzaga, nanay ni Diego, na malapit na kaibigan ni Ara.

Sa isang group photo ay makikitang magkatabi sina Teresa at Barbie, kasama sina Ara at Sunshine Cruz.

Palagi ring dumadalo si Barbie kapag may mga espesyal na okasyong ipinagdiriwang si Ara tulad na lang nung 40th birthday ng aktres two years ago na wala pang pandemic.

Kuwento noon ni Barbie, “Takbuhan ko talaga siya (Ara) pag malungkot ako, pag masaya ako. Sobrang sweet niya kasing tao. Sobrang loving.”

Birthday wish ni Barbie noon sa Ate Ara niya ang  magkaroon na ito ng love life.

“Sana magkaroon na siya ng love life, magkaroon ng boyfriend na mamahalin siya,”  wika  pa noon ni Barbie.

Samantala, si Barbie ay regular na napapanood sa afternoon series na Bagong Umaga ng Kapamilya network.