Barbie Imperial, dedma sa showbiz at non-showbiz guys na manliligaw

ADVERTISING

Barbie Imperial, dedma sa showbiz at non-showbiz guys na manliligaw

Barbie Imperial, dedma sa showbiz at non-showbiz guys na manliligaw
Barbie Imperial

HINDI PA ulit handang ma-in love si Barbie Imperial after ng nangyari sa kanila noon ng aktor na si JM de Guzman.

“No! Ayoko muna!” pagdidiin ni Barbie.  “Ewan ko ba, parang… okey lang masaktan pero dapat matututunan mo rin yung lesson na ibinibigay sa ‘yo ni God kapag may nawawalang tao sa buhay mo.

“So, dahil wala pa akong dyowa ngayon, ibig sabihin na-learn ko kung ano yung pinaparating,” katwiran pa niya.

Inamin din sa amin ni Barbie na may mga nanliligaw naman sa kanya ngayon na non-showbiz at showbiz guys, pero dedma lang muna siya.

ADVERTISING

 “Oo, meron. Kaya lang mahirap pag meron kang natipuhan, pero takot ka. Hindi mo alam kung ipu-push mo kasi sobrang okey siyang tao pero what if? Takot ka, eh, kas baka siya yung masaktan mo pa,” rason pa ng dalaga.

Habang walang love life ay focus muna si Barbie sa work at mga kaibigan.

“Masaya ako na yung time ko nasa work, tapos sa family ko at mga kaibigan ko. Actually, na-miss ko po kasi yung mga kaibigan ko, eh.

 “Kapag pumapasok kasi tayo ng isang relationship nahahati yung oras, eh. So, sobrang na-miss ko lang yung friends ko at ini-enjoy ko muna sila,” lahad pa ng magandang aktres.

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING