Barbie Imperial at Diego Loyzaga kumpirmadong hiwalay na

HIWALAY NA ang controversial couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Ito mismo ang kinumpirma ng dalaga habang pinopromote niya ang bagong digital series na kinabibilangan niya na ‘The Goodbye Girl’ na ipapalabas ngayong February 14 sa iWant.

Barbie Imperial at Diego Loyzaga kumpirmadong hiwalay na
Diego Loyzaga and Barbie Imperial

Hindi binanggit ni Barbie ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay, pero nilinaw nito na in good terms sila ng ex.

Sa virtual presscon para sa kanyang bagong proyekto ay nagbigay ito ng kanyang opinyon tungkol sa pag-ibig.

“I’m the kind of person na kahit medyo nauubos na ako, bigay pa rin ako nang bigay ng love sa ibang tao. So finally, natutunan ko na baka kaya paulit-ulit nangyayari sa’kin ‘to kasi hindi ko talaga minamahal ang sarili ko,” sambit ng dalaga. “It’s like all the same [story for] each boyfriend. So for me, what if ibahin ko ngayon? Sarili ko naman ang mahalin ko.”

Wow. Ramdam niyo ba ang hugot ni Barbie? In-emphasize din ng dalaga ang importansya ng self-love and knowing kung kailan dapat kumalas sa isang relasyon.

Barbie Imperial at Diego Loyzaga kumpirmadong hiwalay na
Barbie Imperial and Diego Loyzaga

Isang taon din ang itinagal ng relasyon ng dalawa. Nakilala sila bilang isa sa sweetest couples sa showbiz dahil sa dalas nila magpost ng sweet photos sa social media at pagiging vocal sa pag-express ng pagmamahal nila sa isa’t isa. Naging controversial ang dalawa na nadawit ang pangalan ng sexy actress na si AJ Raval, na nakatrabaho ni Diego Loyzaga sa isang sexy movie at ex ng isa sa bestfriends ni Barbie na si Axel Torres.

Hindi namin alam kung may kinalaman ang kinasangkutang kontrobersiya sa paghihiwalay ng dalawa. Last year ay nagbida rin sina Diego at Barbie sa Vivamax film na Dulo, at mukhang narating na nga nila ang dulo ng kanilang pagsasama bilang magkasintahan na hindi na madudugtungan pa.

Healing for both Diego and Barbie!