Barbie Forteza, may rebelasyon tungkol kina Jak Roberto, Kiko Estrada at Andre Paras; may kinainisan sa Mano Po?

SI BARBIE FORTEZA ang latest guest ni Bea Alonzo sa Lie Detector Test segment ng kanyang vlog. Kung naaliw tayo sa unang episode ng Coffee Talk with Barbie kung saan first guest niya si Bea Alonzo, mas nakakaaliw ang entertaining lie detector test ng Kapuso Primetime Princess na honest, transparent at punong-puno ng juicy details!

Barbie Forteza, may rebelasyon tungkol kina Jak Roberto, Kiko Estrada at Andre Paras; may kinainisan sa Mano Po?
Barbie Forteza

Maraming personal questions na tinanong si Bea tungkol sa personal, career at lovelife ni Barbie. Isa sa mga palaisipan para sa amin ay ang pagiging honest niya sa pag-amin na may co-star na raw siyang kinainisan. Inamin din niya na mula ito sa huling programang kanyang kinabilangan na Mano Po Legacy: The Family Fortune. Sino kaya sa kanila?

Isa ba sa senior stars ng programa, o ang pinipilit i-link sa kanya na promising hunk actor? Kasama sa programa sina David Licauco, Nikki Co, Dustin Yu at Rob Gomez. Ang huli ang nakatuluyan ng karakter ni Barbie at hanggang ngayon ay may mga fans na pinipilit i-push ang tambalan nila. Nailang kaya ito? Hmmmm…

Isa sa mga nakalimutan na namin na nakarelasyon pala ni Barbie ay ang kanyang That’s My Amboy co-star na si Kiko Estrada. Kung tama ang aming pagkakatanda ay hindi maganda ang breakup ng dalawa kaya no wonder na hindi na sila friends ngayon.

Speaking of ‘That’s My Amboy’, hindi nakaligtas si Barbie kay Bea nang tanungin nito kung totoo na nagkaroon siya ng crush sa kanyang main leading man noon na si Andre Paras. Halatang ninerbyos si madam!

“Hay, Diyos ko po! Bakit ganito? Naiihi ako, if ever. Sandali lang, wala pa kong sagot. May resulta agad wala pa ngang sagot? Wait lang kuya ha. Tinatagalan ko ‘yung sagot para nawawala ‘yung ano,” sambit ni Barbie.

Barbie Forteza, may rebelasyon tungkol kina Jak Roberto, Kiko Estrada at Andre Paras; may kinainisan sa Mano Po?
Barbie Forteza and Jak Roberto in Bohol

Eventually ay isang sincere na ‘YES’ ang kanyang itinugon!

Pagdating naman sa kanyang real-life boyfriend na si Jak Roberto ay vocal ito sa pag-amin na na-iimagine na niya na siya ang titira sa pinapagawang bahay ng aktor.

“Siguro yes, inisip ko kasi habang dini-design ‘yan, tinatanong din niya kung ano ‘yung gusto ko,” paliwanag niya.

Pagdating sa pagiging ‘selosa’; “Hindi ako nagseselos pagka kunwari ‘yung mga kissing scene, mga intimate scene kasi eksena. [Nagseselos ako] pagka nagkakayayaan lumabas, outside work,” pag-amin ng dalaga.

Gayunpaman, hindi rin daw siya ang tipo ng girlfriend na laging tsinitsek ang cellphone ng boyfriend.

Napag-usapan din ang kontrobersyal na si Xian Gaza na minsan na rin nag-shoutout sa lahat maliban kay Barbie Forteza at parang inuudyok na may something kina Jak Roberto at Kim Domingo.

“Napapanood ko siya sa TikTok. Sa TikTok kasi may parang gumagawa sila ng videos na [galing sa] post sa FB, ganyan. Nabasa ko ‘yung pangalan ko. Nabasa ko ‘yung pangalan ni Jak and ni Ms. Kim Domingo. For some reason ini-scroll ko lang. Parang tinreat ko siya as mga trolls,” lahad ni Barbie. Wala rin daw itong sama ng loob sa social media personality.

Aliw ang pagsagot ni Barbie sa mga katanungin ni Bea. We can’t wait to see them in a project soon! Pwedeng-pwede, ‘diba?!

Previous articleBelle Mariano, nakapasok sa Goin’ Bulilit kahit hindi nag-audition
Next articleKPOP Album Review: From Our Memento Box by fromis_9