Barbie Forteza, mas inspired sa trabaho dahil sa acting recognitions

Barbie Forteza, mas inspired sa trabaho dahil sa acting recognitions

Barbie-FortezaMASAYA SI Barbie Forteza na unti-unri nang nari-recognize ang kanyang galing sa pag-arte. At inspirasyon daw sa kanya ‘yong Best Supporting Actress Trophy na napanalunan niya at ilan pang nominasyon na kanyang nakuha para sa Cinema One movie na Mariquina.

“Mas na-inspire ako na gawin ‘yong best ko. Sa lahat ng projects, sa lahat ng eksena. Kasi na-realized ko na marami palang nakare-recognize at nakapapansin sa akin. So kailangang mas i-push ko pa ‘yong sarili ko na hindi lang paulit-ulit ‘yong ginagawa ko. Kailangang may variations din, gano’n.”

Mag-i-eighteen na si Barbie. Kumusta ‘yong mga guys na nagpaparamdam na gusto siyang ligawan?

“Wala naman pong nagpaparamdam!” tawa niya. “Magdidisi-otso na ako, wala pa ring nagpaparamdan.”

Baka nai-intimidate? “Bakit naman sila mai-intimidate?” tawa niya ulit.

O baka naman may mga nag-aakala na sila na ni Andrei Paras na leading man niya sa afternoon series ng GMA 7 na The Half Sisters?

“Hindi.  Magkaibigan lang po kami!” tawa na naman ng young actress. “Magkaibigan lang kami ni Andrei. And in fairness naman sa amin ni Andrei, since lagi na rin namang kami ang magkakasama araw-araw, kami na rin ‘yong nagkakakuwentuhan kahit ‘yong tungkol sa mga personal na buhay, ganyan. Or mga problema, mga teenage problems. Gano’n. Kaya masaya, kasi nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Na komportable ako kahit lalaki.”

Nag-u-open up din ba si Andrei sa kanya ng tungkol sa mga hinanakit nito sa kanyang ina si Jackie Forster?

“Hindi namin napag-uusapan. Wala iyon sa circle of topics namin.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan