Barbie Forteza mala-time travel ang episode sa ‘Regal Studio Presents: My Birthday Wish’

MISS NIYO na ba ang Primetime Princess ng Kapuso Network na si Barbie Forteza? Habang wala pa itong bagong teleserye ay magpapangiti at magpapakilig muna ito sa feel-good offering ng Regal Studio Presents ngayon na may titulong ‘My Birthday Wish‘.

Barbie Forteza mala-time travel ang episode sa 'Regal Studio Presents: My Birthday Wish'
Barbie Forteza in ‘My Birthday Wish’

At some point sa mga buhay natin ay ninais natin na mag-time travel, o bumalik sa specific moment back in time para ayusin ang ilang mga desisyong ginawa natin sa buhay.

Sa 50th birthday ng isang housewife named Joanna, hihingilin nito na sana’y puwede siyang makabalik sa kanyang kabataan para maayos ang kanyang buhay. Magigising na lang ito na siya ay nasa mid-twenties ulit at nasa taong 1996 – na gagampanan na ni Barbie Forteza. Sa panahong ito niya makikilala ang asawa, na gagampanan ni Royce Cabrera.

Lahat naman tayo ay may mga what ifs sa buhay.

Paliwanag ni Barbie, “Not necessarily na malungkot siya sa current life situation niya. It’s just that minsan kahit naman siguro tayong lahat meron tayong moment na iniisip natin ‘Paano kaya kung tinuloy ko ‘yung ganito?’ or ‘Paano kaya kung hindi ako nagpakasal agad?’ or ‘Paano kaya kung nag-travel muna ako bago ako nag-settle?’ — ‘yung mga ganoong ‘what ifs’ sa buhay.”

Exciting din ang unang tambalan nila ni Royce Cabrera, na isa sa mga ginu-groom ng Kapuso Network na maging next important male star nila. Kasama rin sa episode sina Julian Roxas at Sarah Edwards. Ano kaya ang significance ng mga karakter na kanilang gagampanan?

Natuwa si Barbie nang mapabasa ang script ng ‘My Birthday Wish’, na mismong si Direk Easy Ferrer ang nagsulat at nagdirek.

“Ang saya, ang fun. It’s a romantic comedy, drama. Sobrang witty noong script. Ang rich noong material kaya nag-enjoy din talaga akong gawin,” masayang sambit pa niya.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmadong follow-up teleserye si Barbie. Siya kaya ang isa sa main cast members ng Mano Po: The Series? Abangan!

Panoorin ang Regal Studio Presents: My Birthday Wish ngayong Sunday, 4:35 PM only on GMA Network!