Barbie Forteza, makakasama si Ken Chan sa isang pelikula!

ADVERTISING
Barbie Forteza, makakasama si Ken Chan sa isang pelikula!
Barbie Forteza and Ken Chan

MAY RASON NA para mag-rejoice ang KenBie (Ken Chan and Barbie Forteza) fans dahil kahit patapos na ang seryeng ‘Meant to Be’, meron pa rin silang aabangan sa dalawang Kapuso stars.

Sa apat na barakong kapares ni Barbie ay si Ken Chan ang napiling makasama ng aktres sa isang pelikula mula sa Regal Films. Ang balita ay si Joel Lamangan ang magiging director nito at pakiramdam namin ay romance-drama ang tema nito.

Unang nagkasama sa Tweet Hearts sina Barbie at Ken, pero hindi sila magka-loveteam. Nagkaroon sila ng wishful thinking noon na sana’y magkasama sila ulit soon sa isang project as a loveteam at pagkatapos ng ilang taon ay nagkatotoo na rin ang hiling na ‘yun.

We can say na ang dalawa ang dapat ingatan ng Kapuso network dahil may ibubuga talaga sila kung aktingan din lang ang pag-uusapan. Ken Chan portrayed aa transgender role in the GMA Afternoon Prime series ‘Destiny Rose’ at successfully ay nakawala ang binata sa gay roles, which is hard to do.

Si Barbie naman ay mas nabibigyan ng parangal dahil sa mga indie films na ginagawa niya. She is one of the versatile young stars na kaya mag-comedy at mag-drama.

ADVERTISING

We suggest na kung sakali man na magkakaroon muli ng Mano Po franchise ay isama sana ang dalawa para may representative naman ang Kapuso network, huh!

Kahit sino man ang magiging ka-meant to be ni Barbie sa programa ay may mga fan base naman per loveteam. Sana rin ay bigyan ng barkada-themed movie ang lima (Barbie Forteza, Ken Chan, Addy Raj, Jak Roberto at Ivan Doschner) kahit pa iba na ang maka-loveteam ng tatlo pang boys.

Pahabol lang: Ngayon lang namin napansin na swak ang names na Barbie at Ken: Reminds us of the popular dolls! 

ADVERTISING