Barbie Forteza magbibigay-aliw sa mga bata sa pamamagitan ng ‘Captain Barbie’

SA DINAMI-RAMI ng hit TV shows na pinagbidahan ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa GMA, akalain ninyong never pa pala ito gumanap bilang superhero? Nalinya kasi sa iyakan o sa romcom roles ang dalaga.

Sa mga nagwiwish na sana’y lumabas naman sa light fantasy series for kids ang magaling na aktres, may good news kami sa inyo! Si Barbie Forteza kasi ang bida sa bagong offering ng Sunday primetime show na ‘Daig Kayo ng Lola Ko‘ simula ngayong August 15. Siya na ngayon si Captain Barbie!

Barbie Forteza magbibigay-aliw sa mga bata sa pamamagitan ng 'Captain Barbie'
Barbie Forteza as Captain Barbie

Angkyut ng pink costume ni Barbie! Kahit sabihin ninyo na ‘woman’ na talaga si Barbie, hindi maikakaila na very innocent ang kanyang aura. Kahit na ito’y naghahangad ng mas matured na roles ay swak na swak pa rin siya sa ganitong klaseng programa na para sa mga bata.

Makakasama ni Barbie sa Captain Barbie ang Kapuso hunks na sina Jeric Gonzales at Anjo Damiles, na gaganap naman bilang sina Bruce at Andrew, dalawang pulis na makakasama ni Captain Barbie.

In true pampahappy fashion, siguradong puno ng action, comedy at kilig scenes ang Captain Barbie. Ito ang kailangan natin ngayon lalo na ng mga bata lalo na’t tayo’y dumaraan na naman sa matinding pagsubok dala ng ECQ. Kailangan natin ng programa na magpapasaya sa buong family.

Mapapanood ang ‘Daig Kayo ng Lola Ko presents Captain Barbie’ simula ngayong Linggo, August 15 pagkatapos ng 24 Oras. Kasama rin sa cast sina Thou Reyes, Glenda Garcia at Lianne Valentin. Mula ito sa direksyon ni Rico Gutierrez.