Barbie Forteza, ayaw ng magarbong debut

Barbie Forteza, ayaw ng magarbong debut

Barbie-FortezaTHIRTEEN YEARS old pa lang si Barbie Forteza nang una siyang sumabak sa serye ng GMA 7. Siya ang gumanap na young Jodi sa Stairway to Heaven at sa July 31, she will turn 18 years old. Taliwas sa mga kabataang artista, mas gusto ni Barbie ng simple birthday party kaysa mag-celebrate ng magarbong debut.

Nag-request nga raw si Barbie sa kanyang magulang na maging casual lamang ang birthday celebration sa piling ng mga kaibigan, lalo na sa mga kasama niya sa drama series na Half Sister.

Isang overnight party ang gusto ni Barbie. Kainan, kuwentuhan pero walang hard drinks. Bonding lamang daw sa mga kaibigan para mas lalo silang maging close sa isa’t isa.

When asked about her birthday wish? “Siguro po more sa pagpapasalamat. This week kasi ay ise-celebrate namin ang first anniversary ng The Half Sister na magtatapos sa isang grand fans day sa June 20 at 4:00 pm sa activity area ng Market Market sa Taguig City.

“Pasasalamat ko rin po sa Gawad Urian na nominated ako sa Best Supporting Actress for my indie film na Marquina. Napatili po talaga ako nang sabihan nila na nominated ako. Nag-isip po ako kung totoo ba ‘yun. Ganoon ba kahusay ang pagkakaganap ko roon bilang young Mylene Dizon.

“Kaya excited po ako na kinuha ako ng BG Production to play the lead role sa isa pang indie film na Mga Isda sa Tuyong Lupa. Isang Badjao po ang gagampanan ko rito,” pagtatapos ni Barbie na dalagang-dalaga na at sobrang kinis ng kutis.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo