Barbie Forteza, aminadong malabo siyang papansinin ni Dennis Trillo

Barbie-FortezaNA-SURPRISE SI Barbie Forteza na binigyan siya ng grand presscon ng GMA 7 sa kanyang 18th birthday on July 31. Akala niya, simpleng presscon lang. Pero ang nangyari, bonggang press party. Sobrang thankful siya sa Artist Center na siyang nag-push na mag-debut ang dalaga.

Imbes na mag-celebrate si Barbie ng kanyang 18th birthday, mayroong adopt-a-room project siya Philippine Children’s Medical Center (PCMC) in Diliman, Quezon City. Four years nang tumutulong ang young actress sa mga batang nasa hospital. Barbie is the first ever celebrity to participate in this worthy cause. Her dreams come to life with the help of GMA Artist Center.

If ever may debut si Barbie, sino kaya sa mga actors ng Kapuso network ang gusto niyang maka-first dance ? “Siyempre ang aking first crush si Dennis Trillo at saka ‘yung teens, barkada ko naman silang lahat.’Yung debut nagsi-symbolize parang welcome to woman’s world. Kung iisipin ko since na nag- start akong mag-artista nakuha ko na before bago ako nag-eighteen. Kung iisipin kong mabuti woman na ako, hindi na ganu’n kaimportante sa akin ang debut.”

Naging bukang-bibig ni Barbie ang pangalan ni Dennis tuwing ini-interbyu siya ng press. Nagpapantasya kaya ang young actress na sana’y ligawan siya ng actor? “Hindi naman ako ganoon kabaliw sa kanya. Alam ko naman ang realidad na hindi mangyayari ‘yun. Aminin natin, Dennis Trillo is Dennis Trillo.”

Hindi sagabal kay Barbie ang edad para magkagusto siya sa isang lalaki na mas matanda sa kanya tulad ni Dennis.

“Okay lang sa akin, sa ngayon hindi ko pa naiisip ‘yun. So far, hindi ko pa rin nai-imagine. Basta idol ko siya, hindi pa umabot sa point na paano kung ligawan niya ako? Tuwing nakikita ko siya, gusto kong magpa-picture sa kanya. Sinasabi kong crush ko siya, ako ‘yung nahihiya tuwing nagkikita kami. Hindi niya alam kung kakausapin niya ako o hindi, ako rin naman. masaya ako dahil mabait siya sa akin.”

Anong qualities ni Dennis ang nagustuhan ni Barbie? “My God, napakaguwapo niya at saka sobra niyang bait,” sagot ng actress. Paano kung may manligaw sa kanya na kasing guwapo ng idol niya? “Ito aaminin ko, kahit kamukha ni Dennis Trillo, hindi ko pa rin kalilimutan ang bilin ng magulang ko, kailangang susuyuin ako. Nandu’n ‘yung pagiging babae ko, kahit kasing bait at kasing guwapo ni Dennis Trillo, hindi ka naman nag-e-effort ay tigbak.”

Kung sakaling mag-effort si Dennis na ligawan ka, may chance kaya ang actor? “Nanginginig yata ako! Mag-choosy pa ba ako, Dennis Trillo na ‘yan. Matagal ko nang crush ‘yun…”

If ever na magkasama sina Barbie at Dennis sa isang pelikula or serye, payag kaya ang young actress na maging first screen kiss niya ang binata? “Well, sana… ewan ko. Hindi ko iniisip ‘yung mga ganu’ng factor pagdating sa kanya. Nirerespeto ko po si Dennis Trillo, hindi naman to the point na patay na patay ako sa kanya. Kaya ako na-attract sa kanya, super niya bait, super guwapo, at super galing niyang umarte ‘yun.

Hindi ikinahihiya ni Barbie na ang tatay niya ang kanyang personal driver. Masasabing ang young actress ang breadwinner ngayon ng pamilya. Ang sa akin naman, eversince akong ipinanganak sa mundong ibabaw, sila na ‘yung nagtatrabaho para sa akin. Lahat hinihintay na magkaroon ng trabaho kung kaya rin lang. Sila ‘yung mag-provide para sa family nila. Eh, ano naman kung bata pa ako nagtatrabaho? Dose pa lang nagtatrabaho na ako, gusto ko naman. Actually, pinilit ko pa sila, siyempre hindi pa ako tapos mag-aral. Gusto ko talaga, ako mismo ang nagsasabi sa kanila na huwag na silang magtrabaho dahil kaya ko naman. Si ate nasa Chicago, may sarili siyang trabaho as set designer. It’s time to give back sa magulang ko.”

Hindi ba nasasaktan si Barbie kapag sinasabing siya ang bumubuhay sa pamilya niya? “Actually, taas-noo kong sinasabing, oo, at the very young age, kaya ko nang mag-provide para sa pamilya ko. Sa normal kong kaedad, sila pa rin ‘yung umaasa sa magulang. Hindi ako makararating sa showbiz kung hindi sa parents ko. Hindi naman on the spot Barbie Forteza agad. Lahat, sila ang nagtrabaho n’yan para sa akin. Now, it’s my turn na ibigay sa kanila ‘yung lahat na pinaghirapan namin.

Ngayong eighteen na si Barbie, puwede na kaya siyang mag-boyfriend with the permission of her parents? “‘Yang ganyang sentence, pagdating mo ng 25 years old, saka ka na lang mag-drive, ha? Boyfriend, puwede naman. Sabi ko sa mama ko, mas maluwag ka sa boyfriend kaysa sa Edsa, hahaha! Infairness, maluwag ang parents ko. Happy ako dahil nagtitiwala sila na kaya kong mag-handle ng relasyon, commitment, ganyan. Palagi silang nand’yan para payuhan ako. Like, huwag ka munang lumabas, hayaan mong siya ang pumunta, ‘yung ganu’n.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleArnell Ignacio, nag-iilusyon lang kay Ken Psalmer?
Next articleHeart Evangelista, kahit nagma-mature na, marami pa rin ang nagkaka-crush

No posts to display