Baon na baon na raw sa utang
Paolo Contis, nalulong sa casino?!

ADVERTISING

<i>Baon na baon na raw sa utang</i><br> Paolo Contis, nalulong sa casino?!

<i>Baon na baon na raw sa utang</i><br> Paolo Contis, nalulong sa casino?!

ADVERTISING

MAY MABIGAT daw diumanong pinagdaraanang problema si Paolo Contis. Aside sa paghihiwalay nila ni Lian Paz, lulong daw umano ito ngayon sa casino kaya baon ngayon sa utang.

Marami raw dapat ayusing financial obligation na dapat i-settle ang actor at milyones daw ang involved sa problema. Pati raw umano ang kotse ng actor ay posible raw maibenta para makabayad daw sa pagkakautang.

Kung totoong nalululong nga ngayon sa casino si Paolo, tila nagsasabi ng katotohanan si Lian nang magpa-interview ito na ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ay pera!

ADVERTISING

Sabi, posible rin daw na na-influence si Paolo ng isang sikat na personality na lagi raw umano nitong kasama.

Latest pang nakarating sa amin, disappointed daw si Paolo sa isang kaibigan na hiningan ng tulong pi-nansiyal.

Sa dami raw kasi ng nakabakod ngayon sa sikat na personality, hindi raw nakarating sa nasabing kaibigan niya ang financial problem.

Anyway, bukas po ang pahina namin para sa panig ni Paolo. Totoo bang nagkabaon-baon siya sa utang dahil sa paglalaro sa casino?

 

NAGBALIK SA GMA 7 si Ara Mina. Huling project niya sa Kapuso ang Ilumina sa role na mother nina Rhian Ramos at Jackie Rice. Sa bagong serye niya, lalabas siyang mother ni Rocco Nacino na ikinagulat ng press dahil ‘di nagkakalayo ang edad nila ng baguhang actor.

Hindi naman itinanggi ni Ara na noon daw ay asiwa siyang tumanggap na mother role, pero ngayon ay okey na raw dahil naghahanda na rin daw siyang maging mommy.

“Tumanggi  lang naman ako noon kasi parang ang aga pa para maging mother ako ng isang teenager. Pero this time okey na kasi nasa certain age na rin naman ako at hindi na choosy sa mga role. Trabaho rin ito at hindi tayo tatanggi sa blessing, ‘di ba? I am happy to be back sa GMA 7 at na-miss ko ang mga tao rito,” say ni Ara.

Pakiusap lang ni Ara kay Rocco na kapag may eksena lang sila puwede siyang tawaging mommy, pero ‘pag off-cam na raw at wala namang eksena ay ma’am or ate ang itawag sa kanya.

Muli naming itinanong kay Ara kung ano ba ang ibig niyang sabihin na naghahanda na rin siyang maging mommy kaya okey lang na tumanggap ng mother role?

“Wish ko kasi na magkaanak ngayong Pasko,” say niya.

So, may plano na rin sila ng boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na magpakasal this year para matupad ang pangarap niyang magkaanak? “Kahit ano ang mauna, kasal o buntis, okey na sa akin. Kaya lang, paano ako mabubuntis wala pa naman? Hahaha!”

Tungkol naman sa problema niya sa kapatid na si Cristine Reyes, tuloy pa rin daw ang kaso hangga’t ‘di raw natututong mag-sorry sa kanya at sa kanilang pamilya. Korte na raw ang bahalang maghusga.

“Ayoko nang mag-stress  sa kanya. Bahala na ang korte,” pagtatapos ni Ara.

<i>Baon na baon na raw sa utang</i><br> Paolo Contis, nalulong sa casino?!

HINDI NAMAN ikinaila ni Willie Revillame na hanggang 2013 na lang ang kontrata niya sa TV5. Kaagad naman itong binigyan ng hindi magandang kahulugan ng detractors ni Willie na tuluyan na raw matsu-tsugi ang programa niya sa TV5.

But knowing TV5 management, lalo na ang kanilang big boss na si Manny Pangilinan, hindi nito bibitawan si Willie na mawala sa Kapatid Network.

Samantala, tawa at hindi na lang pinapansin ni Willie ang paninira pa rin hanggang ngayon sa kanya. Basta importante ay masaya siya at good provider ng mga anak. Sabi nga, hindi siya naging good husband, naging very good provider naman siya ng kanyang mga anak.

Naglaaan nga si Willie ng isang araw na makasama ang lahat ng kanyang mga anak na magbakasyon sa Macau at Hong Kong para magkaroon sila ng bonding at tuloy sabihin sa mga anak ang mga pinaggagawa niya at mga ari-ariang dapat malaman ng lahat ng kanyang naging anak.

Politics, walang-wala raw sa plano niyang pasukin ang pulitika. Tumulong sa kandidato na kanyang pinaniniwalaan ay posible pa raw.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING