Banong bidang aktor, dahilan kaya maagang natsugi ang serye

ADVERTISING

Sobrang sinugalan ng network ang bagong tambalan ng serye. Sinamahan ng mga magagaling na artista at sa ibang bansa pa kinunan ang ilang mahahalagang eksena. Pero ang ending, maaga ring natsugi ang serye.

Pilit ding inili-link ang dalawang bida sa mga press release, kahit alam naman ng fans na involved na ang young actor sa isang young actress sa pinanggalingang network. Yes, transferee ang young actor sa network.

Ang katambal naman niyang young actress sa serye, hinugot mula sa kanyang love team na may malaking followers na rin naman.

Bukod sa kawalan ng chemistry ng love team, ang tunay na dahilan umano ng maagang pagkatsugi ng serye ay ang pagkabanong umarte ng young actor. Sumuko na raw kasi ang produksiyon sa kawalan ng latoy umarte nito. Dapat daw dumaan muna ito sa mga acting workshop.

Ang siste, pati ang kasikatan ni young actress, nadamay. Galing nga naman kasi siya sa magkasunod na hit teleserye, tapos biglang nasira ang kanyang record. Mukhang gusto pa rin kasi ng fans ng aktres na muli siyang itambal sa dating ka-love team.

ADVERTISING

Ang young actor naman, ginawang katatawan sa network na kung hindi huhusayan ang pag-arte, itapon na lang daw pabalik sa kabilang bakod.

Eh, ‘di… mismo! Hahaha!

 

By Pinoy Parazzi Team

ADVERTISING