Bano na raw umarte, feeling magaling pa Bianca King, kinaiinisan ng production staff ng Siyete?!

NATSITSISMIS ITONG si Bianca King na kinaiinisan ng production staff ng GMA-7 dahil bano raw siyang umarte.

Kulang na kulang daw ang acting nito sa soap opera  na kanyang kinabibilangan kaya naman daw sumasakit na nga raw ang ulo ng production staff sa dalaga dahil hindi nito makuha-kuha ang tamang emosyon required from her by her director.

Siyempre, hindi lang daw ipinapakita, pero imbiyerna na rin daw ang director ni Bianca dahil kahit simple lang ang eksena ay hindi pa raw ito ma-perfect ng dalaga.

Kahit na paulit-ulit na raw ang rehearsal ay palpak pa rin daw ang acting ni Bianca.

Ang nakakaloka pa raw, bano nang umarte ay masyadong feeling magaling na artista pa raw itong si Biancanita.

True ba ito, Bianca?

Ang alam namin ay nagdidirek-direk na rin itong si Biancanita.

FROM NOW on ay hindi na raw magsasalita si Grace Lee ng anything about her and President Noynoy Aquino.

According to her, all she wants is a normal life which we think will never happen now that she’s romantically linked with the highest officer of the country.

We find her funny kasi sa last interview niya ay hindi naman niya napigilan ang sarili na hindi magsalita about P-Noy. Na nagpaalam naman siya kay President Noynoy nang mag-resign siya sa Magic 89.9.

She also revealed na nakausap na niya si Kris Aquino and they had a great time together during one dinner of the Aquinos. She added that Kris was very candid, makuwento and kinda fun to be with. Hindi nga raw siya na-intimidate sa TV host.

Why is Grace refusing  to talk anything about P-Noy? Baka pinagbawalan kasi private nga namang pamilya ang mga Aquino.

What she probably failed to realize is that she was a nondescript before her name was linked to P-Noy. Did anyone show interest in writing about her when she was just a mere TV host? Wala naman, ‘di ba? Only when rumors surfaced that the president was courting her did the press got interested in her, ‘di ba?

MAY NAKITA kaming naka-post na photo ni Charice at Maverick na magkatabi sa Facebook at feeling naming ay ipinapakita lang nang nag-post ang malaking pagkakahawig ng singer sa komedyante.

Nagpagupit nang maikli si Charice at nagpakulay ng buhok. Marami namang na-shock sa kanyang bagong hairdo lalo pa’t nagpa-tattoo rin ang dalaga.

Obvious sa dalawang photo na nakita namin na with Charice’s new look ay naging kahawig siya ni Ma-verick.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleSa pagbabalik sa bansa BB Gandanghari, ibubulgar na ang hunk actor na nakarelasyon noon?!
Next articleSarah Geronimo, pinangatawanan na ang pagtawag ng ‘Babe’ kay Gerald Anderson!

No posts to display