Bangs Garcia, sinundo ni Phil Younghusband pagkatapos ng Star Magic Ball

ADVERTISING

Bangs Garcia, sinundo ni Phil Younghusband pagkatapos ng Star Magic Ball

Phil-Younghusband-Bangs-GarciaI’M SURE marami ang maiinggit kay Bangs Garcia dahil napag-alam namin na kahit wala siyang escort nu’ng gabi ng Star Magic Ball, hindi naman siya nagpatalbog nang matapos ang special event na ‘yon ng Star Magic.

Sinundo lang naman siya ni Phil Younghusband.

Kaya naman pinag-usapan na naman siya na totohanan na talaga ang namamagitan sa dalawa.

Hindi man daw sila pa umaamin ay sa kilos pa lamang ay kita mo nang meron na nga silang special na relationship.

ADVERTISING

‘Yun na. Ang ganda-ganda talaga ni Bangs…. Big Bang with Bangs.

 

DAHIL NGA sa isang baguhang producer na makukunsider na maindie producer, mukhang mabubura ang sinasabing network war. May isang bagong movie na may titulong Saranghaeyo na ang mga bida ay mula sa mga iba’t ibang network: ang GMA 7, ABS-CBN 2 at TV5.

Nandiyan sina Francis Magundayao, Barbie Forteza, Jon Lucas, at Elisse Joson.

Sa mga hindi nakakikilala kay Francis, siya lang naman po ang batang Ding sa Darna ng GMA 7 nu’ng si Angel Locsin pa ang gumanap sa Siyete. At ngayon nga ay nasa ABS-CBN na siya at kasama sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon. From GMA 7 to ABS-CBN 2.

Si Barbie naman, natutuwa dahil nga pinayagan siyang maging bahagi ng said movie. “I’m very much happy dahil nga makakasama ko ang mga iba’t ibang stars ng network,” sey niya.

Kasama rin sa movie sina Jon Lucas at Elisse Joson na hindi konektado sa mga Joson ng Nueva Ecija ayon sa kanya.

Saranghaeyo na ibig sabihin ay I love u at ito ay sa direksiyon ni Roman Perez, Jr.

 

DALAWA ANG gusto kong pumuwesto sa Himig Handog P-Pop Love Songs. Una ay ang inawit ni Angeline Quinto na Hanggang Kailan na ang songwriter ay ang composer-singer na si Joel Mendoza at ‘yung Pumapag-ibig ni Marion Aunor.

Pati ang ipinakitang MTV ng dalawa ay mahusay rin at posibleng manalo.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING