Bangs Garcia, lumipat na sa bagong management

Bangs Garcia, lumipat na sa bagong management

Bangs-GarciaWALA NA sa pangangalaga ng Star Magic si Bangs Garcia. Sa story con ng bago niyang pelikula titled Tupang Ligaw na pagbibidahan din ni Matteo Guidicelli under BG Productions ay naikuwento niya na pumirma na siya ng 3-year contract sa Viva Artists Agency (VAA) ni Vic del Rosario.

“Maayos ‘yung naging pagpapaalam ko sa Star Magic. Ako kasi, I don’t burn bridges kasi sa totoo lang, malaki rin naman talaga ang nagawa sa akin ng Star Magic kung bakit ako naging Bangs Garcia ngayon,” pahayag niya.

Masaya ba siya sa halos 7 taon niya sa Star Magic?

“I was satisfied naman… I was satisfied, pero siyempre, kahit sinong artista ang tatanungin n’yo, sasabihing we always want something more… Ako, I just want something new. New environment, new everything. Hindi naman ako aalis sa ABS-CBN, wala naman akong balak umalis sa ABS-CBN. I’d still be a Kapamilya. May mga nagtatanong kasi kung lilipat daw ako, hindi naman po,” she said.

Isa pa raw sa dahilan kung bakit siya lumipat sa Viva ay dahil gusto niyang i-explore ang pagiging singer.

“Sa Viva, may gagawin akong album at magsi-shoot ako ng music video. Honestly, sa pag-sign ko po sa Viva, hindi po kami magpo-focus sa pagiging sexy. I think I’ve proven myself in that genre for a long time already, eh. Kumbaga, quota na ako riyan lalo na do’n sa Laureana,” nakangiti niyang pahayag.

La Boka
by Leo Bukas