Banggaang Rhian Ramos at Erich Gonzales, kasado na!

ADVERTISING

Banggaang Rhian Ramos at Erich Gonzales, kasado na!

Banggaang Rhian Ramos at Erich Gonzales, kasado na!HALOS SABAY na pumasok sa showbiz sina Rhian Ramos at Erich Gonzales. Pareho din silang bini-build up ng kani-kaniyang TV networks para maging top leading ladies ng kanilang he-nerasyon. Hindi rin naman sila nagpapatalo pagdating sa kontrobersiya at pareho rin silang magaling sa pag-arte.

Sabay na ipapalabas sa March 14 ang kani-kanilang pelikula: Ang My Kontrabida Girl ay isang romance-comedy film na pinagbibidahan ni Rhian Ramos at kapares niya rito si Aljur Abrenica. Sa kabilang banda, isang horror-romance story naman ang Corazon: Ang Unang Aswang na bida si Erich Gonzales. Kapares niya rito si Derek Ramsay at na-link pa nga ang dalawa na diumao’y pinagselosan ni Angelica Pa-nganiban.

Sino kaya kina Rhian at Erich ang susuportahan ng masa? Let the battle in the box-office begin!

 

ADVERTISING

KC Concepcion, ayaw nang paawat sa pagladlad ng katawan!

 

KUNG DATI-RATI ay gustong i-project ni KC Concepcion ang wholesome image without baring too much skin, iba na ang kaso ngayon. Thank you sa heartbreak na ibinigay sa kanya ni Papa Pio-lo, wala nang pakundangan ang mega daughter sa pagladlad ng kanyang katawan sa iba’t ibang babasahin.

Kinabog ng dalaga ang kanyang mga tagahanga nang ilabas ang February issue ng Rogue Magazine, kung saan niya ipinakita ang kanyang ‘sensual’ side. Tastefully done naman ang nasabing pictorial, pero nagulantang pa rin ang ilan sa larawan ni KC na may ‘bakat’ na naganap.

Ngayong Marso naman ay naka-bikini ito sa cover ng Cosmopolitan Magazine. Sa susunod kaya ay sa pelikula na magpapa-seksi si KC? Payagan kaya siya nina Gabby at Sharon?

 

Edward Mendez, tunay na sanhi ng hiwalayang Hayden Kho-Vicki Belo?

Banggaang Rhian Ramos at Erich Gonzales, kasado na!

BREAK NA nga for the nth time ang controversial celebrity couple na sina Hayden Kho at Vicki Belo. Lumabas na rin ang itinuturong sanhi ng hiwalayan na si Al Galang, isang bikram yoga instructor na diumano’y nagpadala ng isang sweet love letter sa sikat na doktora.

May bagong pangalan na namang lumabas sa napakagulong love story na ito. Kasabwat na ngayon ang Sexy Solutions manager na si Edward Mendez, na ayon sa aming source ay pinagselosan nang husto ni Hayden Kho.

Dating endorser ng Forever Flawless ang binata at lumabas na rin sa ilang programa ng ABS-CBN. Dahil sa kaganapang ito, masasabi natin na it is not good to mix business with pleasure. Ganu’n?!
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING