Banggaan nina John Lloyd, Angel at Richard sa La Luna Sangre, tinutukan at pinag-usapan

ADVERTISING

Banggaan nina John Lloyd, Angel at Richard sa La Luna Sangre, tinutukan at pinag-usapan

Banggaan nina John Lloyd, Angel at Richard sa La Luna Sangre, tinutukan at pinag-usapan
Richard Gutierrez, John Lloyd Cruz at Angel Locsin bilang Sandrino, Mateo at Lia sa La Luna Sangre

KAHIT NA lumabas na ang karakter nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang Malia at Tristan sa La Luna Sangre ay patuloy pa ring pinag-uusapan ang episode na ipinalabas noong Friday night (June 23).

 
Tinutukan ng televiewers at pinag-usapan nang husto sa social media ang paghaharap ng karakters nina John Lloyd Cruz (Mateo), Angel Locsin (Lia) at Richard Gutierrez (Sandrino) sa La Luna Sangre.
 
Agree kami sa posts ng netizens at mga nakapanood na ang naturang episode ng La Luna Sangre  ang maituturing na “one of the most epic battles” na nakita nila sa Philippine TV.
 
Sa totoo lang, nakakaiyak at makapanindig-balahibo ang sagupaan nina John Lloyd at Richard. Para kang nanonood ng isang pelikula sa laki ng eksena.
 
Puring-puri rin ng netizens ang acting na ipinakita ng tatlo. Kunsabagay, wala na namang bago do’n dahil multi-awarded actors sina Angel at John Lloyd. Ang revelation ay ang ipinakita ni Richard dahil kinaya niyang makipagsabaya sa dalawa.
 
Sey pa nga ng isang netizen sa social media, “Nangilabot ako sa ending shot at napaiyak sa pagtulo ng luha ni Mateo. Ang galing! I’m hooked with La Luna Sangre. Congrats to the team.”

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING