Bangayan nina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos, bentang-benta!

ADVERTISING
Bangayan nina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos, bentang-benta!
Jennylyn Mercado and Rhian Ramos in My Love from the Star | Screengrab from GMA Network

NAKAKALOKA ANG BANGAYAN at tarayan nina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos bilang Steffi at Rachel sa Philippine adaptation ng My Love from the Star na mapapanood gabi-gabi sa GMA-7.

 

Maraming fans ang original Koreanovelang ito kaya hindi kataka-taka na may mga taong doubtful sa move na ito ng Kapuso network. Ang dalawa sa mga leading ladies na bet talaga ng viewers ay sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos. Hindi nga naming gets kung bakit ngayon lang nabigyan ng primetime romance-comedy si Jennylyn at puro heavy drama ang binigay ng home network sa kanya in the past. Pagdating sa pelikula naman ay tila ang hot momma na ang pumalit kina Regine Velasquez at Toni Gonzaga sa pagiging RomCom Queen. Deserve n’ya yan, noh!

Si Rhian Ramos din ay paborito namin pagdating sa comedy lalo na nang gawin niya ang La Lola almost 10 years ago. Okay din ang performance niya sa My Kontrabida Girl, pero hindi nakaabot sa pace ng dalaga ang leading man niya sa movie. Kabogera din siya sa Sosy Problems.

 

ADVERTISING
Bangayan nina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos, bentang-benta!
Jennylyn Mercado and Rhian Ramos in My Love from the Star | Screengrab from GMA Network

Actually, both Jennylyn and Rhian are versatile actors kaya keri nila ‘yan mapa-comedy man o drama. Paborito namin ang eksenang nagpapataasan sila ng ere sa isang salon at ang patalbugan nila sa pictorial ng isang wedding, na akala mo’y photo op sa isang fashion spread ang eksena, huh! Pose ditto, liyad doon, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Pak na pak!

Sadly ay matatanggal na ang character ni Rhian dahil special participation lamang siya rito. Don’t worry dahil for sure ay kering-keri ni Jennylyn ang mga nakakalokang eksena plus very likeable at kainis-abble ang ibang characters ng show.

ADVERTISING