Banana SPLIT personalities!

Dahil bored na bored ang ating kamerang-gala, naisipan n’yang gumala-gala muna hanggang sa napadpad nga siya riyan sa may ABS-CBN compound at naispatan ang pagkarami-raming artistang may kani-kaniyang business, huh! Siyempre pa, mega-click siya sa kanyang bonggang-bonggang kamera para naman makakuha ng bonggang-bongga ring piktyur.

Isa nga sa napitikan ng lente ng kamera ay ang Banana Split girls na sina Cristine Reyes at Princess Ryan. Aba’y nawili ang dalawang dalagang ito sa pagpo-pose. Kita n’yo naman, kering-keri nila ang iba’t ibang facial expressions at posing, huh! Hindi lang pala magaling sa pag-arte, pagsayaw, at pagpapatawa ang dalawang sexy ladies na ito, aba’y may talent din sila sa pagpapa-kyut! Gusto n’yong bigyan nila kayo ng sampal, sampol, este sample?

NI Jean Oli
Photos by FERNAN SUCALIT

Previous articlePlayboy Philippines Anniversary Launch
Next articleRichard Gutierrez files P25-M libel suit against PEP

No posts to display