BALIK-AMERIKA! Jaya emosyonal na nagpaalam sa It’s Showtime, goodbye na rin sa showbiz!

Leo Bukas

HINDI NA mapapanood sa It’s Showtime bilang hurado ng Tawag ng Tanghalan ang Queen of Soul na si Jaya.  Emosyonal na siyang nagpaalam sa shw dahil babalik ang pamilya niya ng Amerika para doon manirahan.

BALIK-AMERIKA! Jaya emosyonal na nagpaalam sa It’s Showtime, goodbye na rin sa showbiz!
JAYA

Ani Jaya sa kanyang pamamaalam, “Nung lumipat ako sa ABS-CBN, kayo ‘yung tumanggap sa akin eh. So, for me, I’m going to leave with a heavy heart; but I am happy because I have the honor, the privilege to work with very excellent hosts. They truly accepted me, they loved me. Sa staff, lahat ng nakikita ko rito… lahat. Pati mga marshalls na tinatanong ko, ‘Saan ba kayo natutulog?’ Kinukulit ko. You know, I love you with all my heart.”

“And Vice, Amy, lahat kayo, I love you. I truly learned so much. I might be old enough to say, ‘I know a lot,’ but I know nothing because you all have shown me excellence in everything that you do.”

Nagpasalamat din ang singer sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.

“Ako’y nagpapasalamat sa Panginoon, dito sa ABS-CBN Niya ako dinala, though hindi siya nagsara, ‘di ba? So, Lord, thank You for this opportunity to still be standing up in the midst of all my trials. Ilang taon din yun.

“Showtime, Tawag ng Tanghalan, ABS-CBN, my heart is with you. You will never close. I claim that. Because you’ve helped so many people, not only the public, even me, isang singer na katulad ko—namayagpayag nang sandali dahil sa pagtanggap ninyo.”

“Maraming salamat. God bless each and everyone of you. And I pray, when this station opens up, pagbalik ko again, sana, tanggapin n’yo pa rin ako. And sa lahat ng mga Kapamilya, maraming salamat po for the honor and the privilege. Thank you,” lahad pa niya.

Five years din si Jaya sa ABS-CBN bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan at performer sa ASAP. Nabigyan din siya ng pagkakataon na umarte sa MMK.