Balak magpahinga sa Amerika: Sunshine Dizon, Buntis?! – Lolit Solis

ADVERTISING

Balak magpahinga sa Amerika: Sunshine Dizon, Buntis?! – Lolit Solis

Balak magpahinga sa Amerika: Sunshine Dizon, Buntis?! – Lolit SolisANO NA NAMAN kaya ang problema ni Sunshine Dizon at parang nabalik na naman yata ang dating sakit nito?

ADVERTISING

Nitong nakaraang linggo, dalawang beses nang na-pack-up ang taping ng Tinik sa Dibdib dahil sa hindi maganda ang kalagayan nito at ang latest nga ay isinugod ito sa hospital nu’ng nakaraang Biyernes.

Nung una, naglayas daw ito at nag-away raw sila ng Mommy Dorothy niya, pero kinabukasan okay na naman sila at magti-taping na raw ito sa Tinik.

Pero hindi pa rin sila natuloy dahil na-hospital naman ito at na-ICU nga raw.

ADVERTISING
[ad#post-ad-box]

Ang sabi ni Mommy Dorothy, na-overdose daw ito ng Tylenol dahil hindi raw nakayanan ang sobrang sakit ng ulo.

‘Di ba dati, matagal din itong nagpahinga sa hospital dahil sa matinding migraine? Apektado ang trabaho niya noon at baka bumalikk na naman ang dating sakit.

Ang sabi naman ni Mommy Dorothy, okay naman daw ang anak niya at nakalabas na nga ito sa hospital. Ang sabi pa niya, mag-SOP na ito dapat kahapon pero ewan ko kung natuloy dahil hindi nga nakapag-taping sa Tinik.

Naku, ha! Parang may ibang isyu talaga ito kaya abangan na lang natin kung ano ang susunod niyang gagawin.

May kuwento pa si Mommy Dorothy na balak daw ni Sunshine na magpahinga sandali at doon daw muna siya sa Daddy niya sa Amerika. Paano na ngayon ang TInik sa Dibdib at dapat nga meron pa siyang isang show sa GMA-7.

Kung matutuloy itong pag-a-Amerika niya, baka may bahid ng katotohan nga itong kumakalat na balitang buntis siya.

Dapat na mapatunayan ni Sunshine na mali ito at bumalik na siya sa trabaho.

SI JENNYLYN MERCADO rin nga muntik ding na-pack-up ang taping ng Ikaw Sana dahil biglang nag-chill daw ito sa sobrang taas ng lagnat.

Isinugod din ito sa hospital sa Tagaytay pero hindi naman siya na confine, pagkatapos siyang bigyan ng gamot, bumalik din ng taping dahil kailangan nilang tapusin para makahabol sila sa airing nito.

Pinagpahinga raw muna si Jennylyn ng doktor ng ilang araw para magkaroon naman ito ng resistensya ‘pag bumalik na siya sa taping.

Kahit nga si Mommy Lydia ay naging sakitin na rin kaya nag-aalala rin si Jennylyn.

Sa October 15 daw malalaman ang resulta ng mga test nito kasi hindi pa rin alam kung ano talaga ang sakit nito.

Ang sabi nga ni Mommy Lydia, lagi niyang ipinagdarasal sa Diyos na maging okay lang ang kalusugan nila alang-alang sa apo niyang si Alex Jazz na lalong nakatutuwa na raw ngayon.

Kung si Mommy Lydia ang tatanungin, walang problema sa kanya kung sakaling makita ni Patrick Garcia ang apo niya, pero wala naman daw siyang magagawa kung ayaw ni Jennylyn kaya hinihintay na lang daw nitong lumambot ang puso nito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING