Bakod ng ABS-CBN, walang nag-rarally – Tita Swarding

ADVERTISING

Bakod ng ABS-CBN, walang nag-rarally - Tita Swarding

ITO PA ANG isa sa nakakaloka dahil confirmed ito. Kung nu’ng ilang mga araw na nagpupunta ako sa ABS-CBN at dumadaan pa ako roon, wala akong nakitang nagra-rally. Ngayon chika ng isa kong matalik na kaibigang nagtatrabaho sa loob ng istasyon na kailan lang ay may nag-rally sa ABS-CBN. Ngunit ang nakakaloka ay ito. Ang mga tao pala na nagra-rally sa labas ng istasyon upang maipabalik ang kuning-kuning na TV host na si Willie Revillame sa kanyang programang Wowowee ay lahat puro bayad. Yes, true nga raw ito mga kafatid! Bayad lahat ang mga mga tao na nag-rally sa labas ng Wowowee. At ang nakakaloka ay ito: libre ang tanghalian nang bongang-bonga at hindi lang ‘yan, pati ang meryenda ay libre. Hmm…. Ito pa ang isa sa nakakaloka, sa halagang P200 ay ayun, nag-rally na ang mga tao. Hmm…. Sabagay, lahat ngayon ay wala nang libre, lahat ay bayad. Mag-isip ka nga kung may magra-rally na walang bayad. Magpapagod ka ba, magsisigaw at magdadala ka ng placard kung walang ibibigay na datung at walang mapapala? Hindi ba nakakaloka? Ang maganda lang sa rally na ‘yan, libre ang tsibugan. Ha! Ha! Ha! Kaya, siyempre, sa hirap ng buhay lalo na ‘yung iba na walang-wala talaga, kakapit na nga at tatangapin ang mga ganyang offer lalo na ‘pag libreng tsibog. Ha! Ha! Ha! Pati nga mga politiko, nagbabayad, ‘yan pa kaya? Sigaw ng maraming tao, ‘wag nang ibalik ang kuning-kuning na host na si Willie. Tsk! Tsk. Tsk. Kalerke nga naman. ‘Yun na!

ADVERTISING

HINDI NA TALAGA mapigilan ang pag-ariba ng aking twin sister at sinta ng bayan ng Quezon City na si Councilor Aiko Melendez. Super busy ngayon ang magandang councilor-actress, although kahit busy siya bilang isang public servant (O, English ‘yun, Ha! Ha! Ha!) ay hindi pa rin niya tinalikuran ang pagiging ina at pagiging isang artista.

Bonggang-bongga talaga ang twin sister ko na si Aiko. Ang chika na nakarating sa akin, kaya pala walang naging kissing eklat ang dating mag-asawa na si Aiko at Jomari Yllana sa pelikula nilang Spoiled Brat kasama sina Michael V at Ogie Alcasid ay dahil ayaw na ayaw ng vice-mayor ng Bulacan, Bulacan na may kissing na mangyari. Ha! Ha! Ha! Ano raw? Bago ang tsikang ‘yan, nu’ng August 21 ay ginunita ng lahat ang Ninoy Day kung saan ang Ninoy movement at ang Day Care students ng barangay Soccoro ng Quezon City ay naging guest nila ang magandang actress-councilor at sinta ng bayan. Bonggang-bongga talaga! Isa sa guest book reader si Aiko na nagbasa ng libro na may titulong Basura Monster. Sa mga larawan, kitang-kita ang gilas at tuwa ni Councilor Aiko. Go, twin sister, go. Kahit busy siya sa mga project at nagpupunta pa sa iba’t ibant barangay sa Quezon City kaya love siya ng lungsod. ‘Yun na.

Read Tita Swarding’s Blind Item: Sikat na aktres, nagpalaglag kasama ang road manager!

ADVERTISING

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING