Baklitang director, may kayabangan talaga

ADVERTISING

BLIND ITEM: May kaya pala talaga ang baklitang director na ito, MAY KAYABANGAN. Panay ang parinig nito ng kung anu-ano sa production staff, panay ang pasiklab.

Minsan tinawagan nito ang isang staff niya sa bahay. Pinagbilinan niya ito kung ano ang magiging drama kapag dumating na ang brand new car na regalo niya sa kanyang ina. Ang lakas ng boses ng baklita, akala mo ay siya na ang richest guy in the Philippines kung magkuwento.

ADVERTISING

Ang nakatatawa, kaya pala niya binigyan ng car ang kanyang madir ay dahil tinalakan siya nito kasi nauna pa niyang bilhan ng new car ang boyfriend niya kaysa sa kanyang ina.

By Alex Brosas

ADVERTISING