Baka raw mawalan ulit ng trabaho
Jeric Gonzales, natatakot tumaba

ADVERTISING

<i>Baka raw mawalan ulit ng trabaho</i><br>Jeric Gonzales, natatakot tumaba

<i>Baka raw mawalan ulit ng trabaho</i><br>Jeric Gonzales, natatakot tumabaDAHIL SA biglang paglobo ng katawan, nawalan ng project ang male Protegee winner na si Jeric Gonzales kaya naman after ng Love and Lies at habang walang trabaho ay nagbawas ng timbang si Jeric sa pamamagitan ng pagbabasketball at gym.

Kaya naman nang pumayat na ito ay binigyan siya kaagad ng GMA ng bagong show, ang Pyra, Babaeng Apoy, kung saan katambal niyang muli ang kanyang ka-loveteam na si Thea Tolentino.

“Nung wala akong trabaho, doon ako nag-focus na magpapayat, nagba-basketball ako weekly, siguro mga trice a week and in between, nagdyi-gym ako.

“Ang siyempre super diet and discipline sa sarili. Kasi ‘pag ‘di ko ginawa ito baka tuluyan na akong ‘di bigyan ng trabaho ng GMA-7 at ayaw ko ‘yun. Hahaha!”

ADVERTISING

Sa ngayon daw, patuloy pa rin ang pagdyi-gym ni Jeric sabay ng pagba-basketball, para ma-maintain niya ang magandang pangangatawan at mas mabigyan pa siya ng mas maraming trabaho ng Kapuso Network.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING