Baka raw maapektuhan ang boses
Angeline Quinto, natakot iparetoke ang ilong

ADVERTISING

<i>Baka raw maapektuhan ang boses</i><br>Angeline Quinto, natakot iparetoke ang ilong

<i>Baka raw maapektuhan ang boses</i><br>Angeline Quinto, natakot iparetoke ang ilongMASAYANG IBINALITA sa amin ni Angeline Quinto na malapit-lapit nang magawa ang ipinapatayo n’yang bahay sa Commonwealth area sa Quezon City nang makatsikahan namin ang singer sa compound ng ABS-CBN last Tuesday night.

Sa condo unit n’ya pa rin na nabili n’ya kay Kris Aquino, malapit sa ABS, nakatira si Angeline kasama ang kanyang ina.

Sa ngayon, inuumpisahan na raw ng young singer ang kanyang third album under Star Records na may walong kanta. Anim daw ang original composition at dalawa naman ang revival.

Isa sa dalawang revival songs daw ay ang original song ng kanyang idolo na si Regine Velaquez na Babalikang Muli.

ADVERTISING

Last month daw ay nag-attend si Angeline ng Bible study sa bahay nina Regine at mister nitong si Ogie Alcasid kasama kanyang close friend ngayon na si Erik Santos.

Noon ay balak sanang ipaayos nang konti ni Angeline ang magkabilang gilid ng kanyang ilong, kahit matangos na ito, kay Dra. Vicki Belo, pero sinabihan daw s’ya ng Asia’s Songbird na huwag na n’yang ipagalaw, dahil baka maapektuhan pa ang kanyang magandang boses.

<i>Baka raw maapektuhan ang boses</i><br>Angeline Quinto, natakot iparetoke ang ilongKahit daw kasi na magkabilang gilid lang ng ilong n’ya ang aayusin, baka kailanganing galawin pa rin daw at may ipasok sa bridge ng kanyang ilong kung kaya’t ayaw nang ipa-enhance pa ito ni Angeline.

Maaaring ang mga talukap ng lang ng kanyang mga mata ang ipaayos n’ya kung sakali para hindi na raw mukhang malungkot ang mga ito.

Sinabi namin kay Angeline na napansin namin na nadadalas ang cameo role n’ya sa mga pelikula ng Star Cinema, gaya ng sa Four Sisters and A Wedding at sa Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

Oo nga raw, sagot ng dalaga. Pero ngayon daw ay gusto n’yang mag-concentrate sa pagkanta, kaya inuumpisahan n’ya na raw ang pag-record nga ng kanyang susunod na album at marami s’yang mga corporate shows at out-of-town at out-of-the-country shows.

Sa gaganaping Star Magic Ball tomorrow, Saturday, si Erik pa rin daw ang escort ni Angeline, kaya biniro namin s’ya na baka dumating ang panahon na ligawan na s’ya ng una.

Binibiro nga raw s’ya ni Erik na bukod sa magkaapelyido sila ni Rufa Mae Quinto na ex-girlfriend ng male singer, pareho pa raw sila na malaki ang boobs.

Matalik na kaibigan lang daw ang tingin nila ni Erik sa isa’t isa, sey ni Angeline.

 

MASAYA SI Ai-Ai delas Alas, dahil ngayong buwan ng September ay parte pa rin s’ya ng sitcom na Toda Max with Angel Locsin and Vhong Navarro.

Nu’ng una kasi ay sa lahat ng Sabado nu’ng August lang mapapanood ang Comedy Queen, pero sabi nga ng production manager ng nasabing sitcom na si Cynthia ‘Mama Bear” Jourdan, hangga’t gusto raw ni Ai-Ai ay okey lang sa kanila.

Excited naman ang komedyana sa showing ng kanyang ipinagmamalaking pelikula with Marian Rivera na Kung Fu Divas sa darating na October 5 (2013).

Pareho raw silang co-producer ng reigning queen ng GMA-7 na si Marian together with its director Onat Diaz, Reality Entertainment and Star Cinema.

Wala namang nasabi na hindi maganda si Ai-Ai sa sinabi ng isa sa itinuturing n’yang best friend na si Eugene Domingo sa presscon ng Momzillas last Tuesday afternoon na ‘the original Comedy Queen is back” na pagtukoy sa Diamond Star na si Maricel Soriano na kasama nito sa pelikula.

Mga tao naman daw ang nagbibigay ng titulo sa mga artista, ayon kay Ai-Ai.

Mula Comedy Concert Queen kasi ay tinagurian nang Comedy Queen ang Tanging Ina herself.

Kung hindi rin kami nagkakamali ay bago bansagang Diamond Star si Inay Marya ay tinawag ito noon na Taray Queen, dahil sa pagiging outspoken nga nito nu’ng araw.

Although, mahusay rin talaga sa pagpapatawa si Maricel noon pa man, bukod sa drama.

Ganu’n pa man, mataas daw ang respeto ni Ai-Ai kay Maricel.

 

Personal: Happy birthday to my dearest youngest sister, Tara Fonseca Simeon, today!

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING