BAKA MATULUYAN: Joross Gamboa, awat na raw sa gay roles!

ADVERTISING

BAKA MATULUYAN: Joross Gamboa, awat na raw sa gay roles!

BAKA MATULUYAN: Joross Gamboa, awat na raw sa gay roles!
Joross Gamboa

INIINTRIGA si Joross Gamboa dahil parang copy cat daw ang pelikula nitong Deadma Walking sa Die Beautiful movie na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros. Aminado naman si Joross na aware siya sa maaaring pagko-compare sa Deadma Walking at Die Beautiful dahil sa ilang pagkakahawig sa tema ng dalawang pelikula. Pero nilinaw ng aktor na iba ang kanilang pelikula sa Die Beautiful.

 
“Feeling ko parehas lang sila roon sa konsepto na may wake, iyong burol, at saka iyong mayroong gay part. Pero iba yung atake nito e, iba yung iikutan ng kuwento kapag nabasa ninyo talaga yung script.
 
“Mayroong mga positive at mayroon din negative ano, kapag mako-compare. So, kami ang kukunin na lang namin iyong mga positive and kung anoman yung mga negative ay ide-deadma na lang namin,” saad ni Joross.
 
Esplika pa niya, “Siyempre mako-compare siya kasi sa Die Beautiful ipinakita yung transformation niya. Isang factor yun na iko-compare kung ano iyong magiging look ko rito and parang parehas, may concept ng death, mapagma-match rin iyon. Pero in total, magkalayo ng istorya eh.
 
“Both stories talk about life and death pero rito, yung friendship marami pang iniikutan pa na iba rito eh. Hindi iyon yung main focus.”
 
Kasama ni Joross sa pelikula si Edgar Allan at gagampanan ng dalawa ang papel na gay best friends na sina Mark at John, respectively. Si Mark ay lantad ang pagkabading, samantalang si John naman ay pamhinta. Dahil sa ilang personal na rason, pepekein ni John ang kanyang pagkamatay sa tulong ng BFF niyang si Mark.
 
Nang usisain kung hindi ba siya nagsasawa sa pagganap na bading dahil sa rami na rin ng nagawa niya, pabirong sinabi niyang last gay role na raw niya ito.
 
“Ako sa totoo lang, baka last ko na muna ito na mag-gay, kasi baka matuluyan ako, e,” nakangiting saad ng actor na napapanood din ngayon sa TV series na La Luna Sangre

Pahabol na esplika pa niya, “Sabi nila kapag ini-interview ako, ‘Hindi mo ba nadadala sa pagtulog mo iyong pagkabading?’ Sabi ko, ‘Hindi naman kasi katabi ko yung asawa ko. Ginagawa niya akong lalaki bago matulog.’”

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING