Baho ni Marian Rivera, ibinulgar ng ex-bf!

ADVERTISING

Baho ni Marian Rivera, ibinulgar ng ex-bf!Baho ni Marian Rivera, ibinulgar ng ex-bf!BONGGANG-BONGGA ANG birthday celebration ni Marc Cubales with a fashion show held at The Lounge ni Hayden Kho.  Dating workshop artist (model and cinematic photographer) ni Ms. Liza Veroya Salud ng ABS-CBN si Marc. Nag-aral sa Manchester University, UK (advance business) at na-discover as ramp model at the age of 18 sa UK. May business din si Marc sa Thailand (Lotus Development), buy and sell ng mga land at owner din ng NCS Transportation (mini-buses) in Montalban.

Nang gabing ‘yun, emcee si Jackie Lou Blanco with guest singers Ms. Pilita Corrales and TheTrio, with “Hodge Podge” (near ABS-CBN) collection from UK. In fairness, latest trend for men in fashion ang mga damit na inirampa. Tawag-pansin ang isang male model na artistahin ang dating (may hawig kay Dingdong Dantes). Magaling rumampa, outstanding among the models.

Siya pala si Ervic Vijandre (top ramp model at commercial model ng McDonald at Smart, 2006), ang ex-boyfriend ni Marian Rivera, tsika sa amin ni Mario Hernando.

That night, aligagang-aligaga si Rey Pumaloy (PR ni Marc) sa pag-aasikaso sa mga entertainment press. After the show, ipinakilala ni Rey si Ervic at agad na pina-join sa table namin.

Tinanong agad namin si Ervic kung ano ang mabigat na dahilan ng paghihiwalay nila ni Marian? “Wala lang, petty quarrel na madalas namang nangyayari sa amin pero naayos naman agad namin noon. That time, maugong na ‘yung balita na sila na raw ni Dingdong Dantes pero hindi ako naniniwala. Pinanghawakan ko ‘yung sinabi niya na trabaho lang ‘yung sa kanila ni Dindong. Malaki kasi ang tiwala ko sa kanya dahil 8 years ‘yung relationship namin. On and off ‘yung relationship namin. ‘Yung huli lang, du’n na natapos, nakipaghiwalay na siya sa akin. ‘Yung rumors tungkol sa kanila ni Dingdong, ‘yun na pala ‘yon,” seryosong  sabi ni Ervic.

ADVERTISING

So, naniwala kang totoo ‘yung bali-balita noon na may namumuong romansa kina Marian at Dingdong? “Hindi naman kasi ako ‘yung tao na agad na naniniwala sa tsismis, kaya binabale-wala ko lang ‘yung naririnig ko tungkol sa kanilang dalawa. Kung ano ‘yung naglalabasan tungkol sa kanila ‘yun na pala ‘yung totoo!”

Inamin ni Ervic na matindi ‘yung sakit na idinulot ng paghihiwalay nila ni Marian.

“Oo, siya ‘yung babae na totoo kong minahal for 8 years. Hindi ganu’n kadali para malimutan mo agad ‘yun. Ganoon talaga, kailangan mong tanggapin. Naka-move-on na ako, life has to go on and I’m happy right now with my life.”

Tinanong din namin si Ervic kung totoo ‘yung bali-balitang nag-live-in sila ni Marian nu’ng time na sila pa. Tango lang ang naging tugon niya sa tanong namin. Ibig sabihin, totoo ngang nagsama sila at malalim ang naging relasyon nilang dalawa.

First love mo ba si Marian ? “Hindi. First love ko ‘yung naging girlfriend ko nu’ng 12 years old ako. Naging girlfriend ko si Marian nu’ng 15 years old ako na tumagal ng 8 years. Siya ‘yung serious relationship ko.”

Kung sakaling dumating ‘yung time na ma-realize ni Marian na ikaw pa rin ang mahal niya, willing ka bang tatanggpin uli siya? “Hindi na siguro, masakit dahil minahal ko siya. Sa umpisa mahirap tanggapin, but eventually matatanggap mo na rin. Naka-move-on na ako. Nakikipag-date ako pero nothing is serious, ganu’n lang.”

Ervic got the looks and x-factor to become a star. Nasa kanya ang mga katangiang puwedeng maging artista. “Given a chance, why not? Walang mawawala sa akin. Ibang level itong papasukin ko if ever na may magtitiwala sa akin. Walang masama kung susubukan ko, it’s a big challenge on my part. Kung saka-sakali, puwede ako,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING