BAHAY O BODEGA? Condo Unit ni Super Tekla, kalunos-lunos ang sinapit

ADVERTISING

NAKAKALOKA talaga ang recent controversy na kinasangkutan ng Kapuso comedian na si Super Tekla.

Pinag-usapan at trending sa social media ang paglabas ng live-in partner nito na si Michelle Lhor Ba-naag sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo si Super Tekla. May mga ibinunyag si Michelle na hindi kanais-nais na detalye tungkol diumano sa komedyante. Dahil sa paglabas nito, marami ang nainis kay Super Tekla. Sabi pa nga ng iba, ‘cancelled’ na ito sa showbiz at kung anu-ano pang masasakit na salita ang binato nila rito.

ADVERTISING
BAHAY O BODEGA? Condo Unit ni Super Tekla, kalunos-lunos ang sinapit
Super Tekla

Agad na dumipensa ang mga kaibigan ni Super Tekla tulad nina Donita Nose, Ogie Diaz at manager na si Rose Conde. Nanindigan  ang tatlong kaibigan na walang katotohanan ang mga binabato ni Michelle. Nagsalita na rin si Super Tekla sa mismong home network niya na mangiyak-ngiyak na dinepensahan ang sarili.

Sa collaboration vlog channel nina Donita Nose at Super Tekla ay may dalawang video na inupload recently. Sinugod ni Donita Nose nang walang pasabi ang condo unit na inuupahan ng kaibigan na dating tinitirahan ni Michelle at ibang kamag-anak nito.

Kitang-kita sa video ang nakakapanghinang estado ng kanyang condo unit na napatanong na lang si Donita Nose kung condo pa nga ba ito o bodega?

ADVERTISING

Maraming basura, nakakalat na gamit, mga napapanis na pagkain at kung anu-ano pa. Kahit sino naman ay maiinis kung ang uuwian mo na bahay ay ganun na lang kadumi. Nakakaloka talaga!

Sa second video naman ay tumulong si Donita Nose at iba pang kaibigan sa paglinis ng condo unit ni Super Tekla. Nakakaloka talaga! Hindi mo aakalain na isang artista pala ang nakatira doon.

Ang latest ay kahit mismong si Raffy Tulfo ay sumuko na kay Michelle. Nagdududa na ito sa totoong estado ng nagreklamo at ayon pa sa batikang host, ito na mismo ang naggisa ng sarili nito sa mantika. Sumuko na ito nang tanggihan ni Michelle ang pagpapa-drug test gamit ang buhok. Ayon sa kanya, sinabihan siya ng kanyang tiyahin na huwag muna magpatest dahil siya’y nilalagnat at baka ito’y mabinat.

Para sa mga netizens, mukhang kahit sila ay suko na sa isyung ito. Sana’y may natutunan tayong lahat na leksyon mula rito. Suwerte ni Tekla na nakahanap siya ng true friend sa katauhan ng kanyang katrabaho na si Donita Nose. Iba ka, ka-tandem!

ADVERTISING