Bahay ni Kuya, bukas na

ADVERTISING

Bahay ni Kuya, bukas na

John-Prats-Toni-Gonzaga-Robi-Domingo-Bianca-GonzalesSA WAKAS ay muling nagbukas ang pinakasikat na bahay sa bansa – ang Bahay ni Kuya – kasabay ng pag-welcome natin sa 18 bagong housemates na magiging borders sa loob ng bahay. Matagal nang inaabangan ang PBB na sinasabing “Teleserye ng Totoong Buhay”. The Pinoy Big Brother All In is hosted by Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, John Prats, and Robi Domingo.

The new housemates are Axel Torres (Jock-Next-Door ng Taguig), Jane Oineza (Rising Celebriteen ng Quezon City), Cess Visitacion (Biba Raketera ng Valenzuela), Kevin Cecilio (Simpatikong Salesman ng Cam Sur), Nichole Baranda (Sweet Revelation ng Makati), Aina Solano (Dancing Bombshell ng Boracay), Joshua Garcia (Tatay’s Boy ng Batangas), Jayme Jalandoni (Devoted Daughter ng Las Piñas), Manolo Pedrosa (Wonder Son ng Quezon City), Maris Racal (Singing Sunshine ng Davao), Ranty Fortento (Maginoong Marino ng Quezon), Michelle Gumabao (Spunky Spiker ng Quezon City), Jacob Benedicto (Cutie Crooner ng Parañaque), Loisa Andalio (Talented Darling ng Pasay), twins Fourth and Fifth Solomon (Brad Kulit ng Pasay and Brad Bait ng Pasay), Vickie Rushton (Lady Mahinhin ng Bacolod), and Alex Gonzaga (Sassy Sister ng Rizal).

Sila ang mga housemates na susubok sa pasensiya ni Big Brother na matagal-tagal na rin nating hindi naririnig ang boses. Sa totoo lang, laging kaabang-abang ang mga napipiling housemates sa bawat edition ng PBB dahil sa kani-kanilang personalidad. May matalino, may pasaway, may mahiyain, may mahinhin, may astig, may palaban, may kengkoy, may seryoso, may sosyal, may simple, may madaldal, may tahimik, at may iyakin. At sinu-sino kaya ang mga mabubuong loveteams sa loob ng Bahay ni Kuya?

Masusubukan din ang abilidad ng mga housemates habang sila ay magsasama-sama sa iisang bubong sa mahabang panahon. Paano mo kasi pagsasamahin ang mga taong hindi magkakakilala at iba ang kinalakihan sa buhay? Maliban sa mga challenges ay mate-test din ang kanilang galing sa pagdiskarte lalo pa’t there are surveillance cameras positioned all over the house to watch their every movement. Kaya naman nahihirapan kung minsan ang isang housemate na mabura sa isipan ng publiko ang imaheng naitatatak niya inside the house.

ADVERTISING

PBB has opened doors of opportunities in showbiz to former housemates like Sam Milby, Kim Chiu, Gerald Anderson, Robi Domingo, Matt Evans, Jason Gainza, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Ejay Falcon, Ryan Bang, Tom Rodriguez, Slater Young, Paul Jake Castillo, Sam Pinto, among others.

Sino kaya sa mga bagong housemates ang tatatak sa isipan nating mga Pinoy sa PBB All In? At sino kaya ang uuwing bagong Big Winner? Abangan.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING