Bahay ng aktres na bigay lang sa kanya ng sikat na personalidad, ibinebenta sa halagang P48-M!

ADVERTISING

UP FOR sale ang bahay ng isang aktres, nagkakahalaga ‘yon ng tumataginting na P48-M. May prospective buyer na siya, tumatawad nang P40-M but she’s not about to give in to the price.

Tila take it or leave it ang kundisyon niya sa interesadong bumili. Sa madaling salita, hindi puwedeng tawaran.

Isang source ang nakaalam ng kuwentong ito, agad tumaas ang kilay nito. Sey nito, “Naku, kung hindi ko pa alam, hindi naman niya talaga naipundar ang property na ‘yon, ‘no! Forty eight million siya riyan! Okey sana kung dugo’t pawis ang ipinuhunan niya para maipundar ang bahay na ‘yon, kaso, ibinigay lang naman ‘yon sa kanya ng naging dyowa niyang sikat na personalidad, ‘no! Hmp!”

Da who ang aktres na kumita na’y tumubo pa nang malaki if ever may kumagat sa presyo niyang P48 million? Itago na lang natin siya sa alyas na Filomena Arambulo.

 

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco III

 

ADVERTISING