Baguhang direktor, sobrang nilait-lait ng baklang talent manager

ADVERTISING

BLIND ITEM: Kapag kumalat ang ang tsikang ito ay marami ang masi-shock. Tungkol ito sa isang gay manager na sobrang nilait-lait ang isang direktor.

Nagsimula ang lahat nang gustong kunin ni Director sa movie ang alaga ni Manager na actor. Komo bago si Director ay sobrang maliit ang tingin ni Gay Manager sa direktor. Hindi mo raw masisikmura ang panlalait at pang-aapi.

ADVERTISING

“Ayokong masira ang career ng alaga ko nang dahil sa ‘yo. Hindi ko gusto ang pelikula mo, pangit,” sey nito.

Hindi yata napanood ni Gay Manager ang nagawang movie ni director. Sa totoo lang, marami ang nakagusto ditong mga kritiko, artista, at kapwa nito director.

Nalokah kami, dahil totoo nga yata ang tsikang bali-balita na ‘di maganda ang ugali ng baklitang talent manager.

ADVERTISING

‘Wag naman sanang maghari-harian o mag-power tripping. Dahil nga ang inaapi ay itinataas ng Diyos.

Isa pang ‘di makalimutang sinabi ni Gay Manager kay Director, ‘Di ko hahayaang masira ang career ng alaga ko na inalagan ko ng 14 years.”

By Fernan de Guzman

ADVERTISING