Baguhang aktor, mukhang malinis at mabango, umaalingasaw naman sa baho ang hininga!

NAKAKALOKA ANG tsismis sa isang baguhang actor. Super linis nito sa katawan at napakabango kapag nakabihis na pero alam n’yo bang may bad breath ito?

May halitosis daw ang actor kaya naman marami ang na-turn off nang maamoy nila ang hininga nito. Hindi sila makapaniwala na ang guwapong baguhan ay may masamang hininga. Walang-wala raw sa personality nito na may amoy siyang mabaho.

Ang higit na mas nakakaloka, hindi kaya ito naamoy ng isang personalidad na sinasabing karelasyon ng baguhang actor? O baka naman hindi lang niya talaga ito pinapansin dahil natatakot siyang iwan nito at hindi na niya ito maisama sa kanyang lakaran para mai-display?

(By Alex Brosas )