BAGONG VALENTINA: Janella Salvador makakalaban ni Jane de Leon sa Darna!

IT’S OFFICIAL: Si Janella Salvador ang bagong Valentina!

Pagkatapos ng halos isang dekadang preparasyon para sa pagbabalik-telebisyon ng iconic Pinay heroine na si Darna ay napili na rin ang masuwerteng artista na gaganap bilang main villain o kontrabida niya. Ito ay walang iba kundi ang isa sa mga tinaguriang sweet leading ladies ng Kapamilya network na si Janella Salvador.

BAGONG VALENTINA: Janella Salvador makakalaban ni Jane de Leon sa Darna!
Janella Salvador as Valentina | Janella Salvador and Jane de Leon in Darna

Katulad ng pagka-atat ng tao na malaman kung sino ang Darna ng bagong henerasyon, inabangan din ng madlang pipol kung sino ang bagong ahas na tutuklaw sa mga manonood. In the past years ay palaging sopistikada at model-like ang mga napili para gumanap sa iconic role. Sa telebisyon ay si Alessandra de Rossi ang Valentina ni Angel Locsin habang si Iwa Moto naman ang itinapat kay Marian Rivera.

With Jane de Leon vs. Janella Salvador now leading the program, magkakaroon kaya ito ng major impact sa televiewers knowing na matagal na itong inaabangan? Nakamove on na kaya ang mga Darna enthusiasts, or are they loyal enough to patiently wait?

Marami ang excited para kay Janella Salvador dahil ito ang kanyang first kontrabida role. Nasanay ang mga fans niya na mapanood siya in sweet and pa-tweetums project kaya naman big deal ito sa kanila. Ito rin ang first major TV project ni Janella pagkatapos manganak sa anak nila ni Markus Patterson na si Baby Jude.

Isa pa sa inaabangan ng mga tao ay ang pagbabalik-tambalan nila ni Joshua Garcia, na huling nakatrabaho niya sa ‘The Killer Bride’. Sa programa rin unang nagkaroon ng onscreen kiss si Janella sa isang lalaki. Pak na pak!

Ngayon na kumpleto na ang cast line-up, Lipad, Darna… LIPAD!!!