BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-IBIG: Heaven Peralejo at Kiko Estrada, umamin na sa kanilang relasyon

SA WAKAS ay umamin na rin ang former Bagong Umaga lead stars na sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo na sila’y in an official relationship na sa pamamagitan ng pagpost sa kani-kanilang Instagram accounts kung saan nakabalandra ang kanilang sweet photos.

“His,” simpleng caption ni Heaven sa set ng photos kung saan kasama niya ang nobyo, na ang isa ay hinahalikan siya sa noo.

BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-IBIG: Heaven Peralejo at Kiko Estrada, umamin na sa kanilang relasyon
Kiko Estrada and Heaven Peralejo

Sa tinagal ng panahon ng pananahimik ni Kiko Estrada sa kanyang Instagram ay bigla itong nag-update na may kalakip na lovey dovey photos nila ng girlfriend.

“I love you” naman ang kanyang caption. Sa comments section ay sinagot siya ng bagong iniirog na “I love you too”.

Kilig ba? Idagdag pa na may pet dog silang dala-dala na napakakyut! Bigay kaya ito ni Kiko kay Heaven?

Ang kumpirmasyon ay hinihintay ng mga netizens halos kalahating taon matapos lumabas ang tsikang naghiwalay umano sina Kiko Estrada at ang ex-girlfriend nito na si Devon Seron. Nagpost ng cryptic message noon si Devon at sinuportahan pa ng nanggigigil na kapatid nito at ilang close friends, including Bagong Umaga co-stars Barbie Imperial and Tony Labrusca.

Sa hiwalayang Devon at Kiko o DevKi, ang itinuturong third party ay si Heaven Peralejo, na noo’y katambal ni Kiko sa Bagong Umaga. Itinanggi ni Heaven na may kinalaman siya sa pagkasira ng DevKi at sinabi pa na she’s “not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”

Sa ngayon ay hindi malinaw kung kailan naging opisyal ang relasyong Kiko-Heaven. Goodluck sa inyong pag-iibigan! Sana’y tumagal at tumatag ang relasyon ninyo.