BAGONG TAON, BAGONG BALIKAN: Alden Richards, may balita sa pagbabalik ni Maine Mendoza!

ADVERTISING

BAGONG TAON, BAGONG BALIKAN: Alden Richards, may balita sa pagbabalik ni Maine Mendoza!

BAGONG TAON, BAGONG BALIKAN: Alden Richards, may balita sa pagbabalik ni Maine Mendoza!
Alden Richards

MAGKAKABALIKAN BA ang loveteam ng ALDUB sa January 1 (New Year’s Day) sa live show ng Eat Bulaga ng lahat ng mga host ng noontime show?

ADVERTISING

Mula nang maglabas ng open letter si Maine Mendoza na waley talaga sila  ni Alden Richards, nagulantang ang AlDub Nation. Nawindang ang mundo nila lalo pa’t napasakay sila Maine at Alden na which for me ay kasalanan din naman ng mga faney na kung ano ang nakikita nila at nababasa ay pinaniniwalaan nila.

Sa paglabas ng open letter ni Maine ay lumayas ito at ang naiwanan ay si Alden na the other day ay kababalik lang galing Japan for a vacation with his family.

Sa katunayan, yesterday sa Thanksgiving and post-Christmas lunch treat niya sa entertainment media, nagbahagi siya tungkol sa inaasahang muling pagkikita niya with Maine.

ADVERTISING

Sa paga-update ng binata sa estado nila ng kanyang kapareha, sabi ni Alden sa press: “Yung kay Maine po, maraming gustong magtanong pero eto na lang po ‘yung gusto kong sabihin with regards to everything. Nag-usap po kami bago siya umalis (for the US for a vacation). And I’m very happy that she’s having fun, spending the holidays with her family sa abroad.

 “And the same thing din na nangyari rin po sa akin, I’ve got to spend time with my family na parang we really both deserve those breaks apart from everything po. Hintayin na lang po natin ang pagbabalik niya,” sabi ng binata.

BAGONG TAON, BAGONG BALIKAN: Alden Richards, may balita sa pagbabalik ni Maine Mendoza!
ALDUB: Maine Mendoza and Alden Richards

Walang ibang detalye ibinigay si Alden na ang lahat ay maibabase kung si Maine ay magpapakita sa EB sa darating na Lunes.   

Kritikal kasi ang pagbabalik ng mga hosts sa EB sa unang araw ng bagong taong 2018.

Kung sakali bumalik si Maine sa show, ang love team nila ay tuloy pa rin na balita nga namin ay may bagong pelikula na pagsasamahan ang AlDub sa 2018 mula sa APT.

Ang if not at deadma na ang dalaga, I suggest na tigilan na ang ilusyon.

Mas may promise si Alden na first time namin siya napanood mag-drama ng seryoso sa kuwento ng buhay ni Bonifacio Ilagan sa GMA News TV recently.

Sa kaarawan ng binata, abangan ang paandar ni Alden sa EB na for sure ay ikatutuwa ng mga tagahanga niya.

Congrats Alden at maraming salamat.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING