Bagong ‘pasabog’ ni Claudine Barretto, pinagdududahan ng kampo ni Raymart Santiago

ADVERTISING

Bagong ‘pasabog’ ni Claudine Barretto, pinagdududahan ng kampo ni Raymart Santiago

Claudine-Barretto-Raymart-SantiagoAS OF presstime, ayaw pa rin ni Raymart Santiago na magsalita tungkol sa mga huling rebelasyon ni Claudine Barretto.

Naungkat na naman kasi ang gulo ng pamilya nang magpa-interview si Claudine sa Startalk at Buzz ng Bayan. May mga bago pa siyang pasabog na dalawang beses pala silang nagpakasal at fake nga raw ang isa.

‘Yung unang kasal daw nila sa Isabela nu’ng 2004, hindi raw agad naiparehistro ni Raymart kaya fake daw ‘yun.

Bandang huli na lang daw niya naparehistro nu’ng magpakasal sila sa Tagaytay nu’ng 2006. Ang ibig sabihin, totoo pa rin pala ‘yun, nahuli nga lang ng registration.

ADVERTISING

Sabi niya, kung alam lang daw niya na wala naman palang bisa ang una nilang kasal, sana nag-back-out na lang daw siya du’n sa pangalawang kasal. Eh, sabi naman ng abogado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo, si Claudine naman daw ang nag-request ng Tagaytay wedding na ‘yun dahil gusto raw niyang maipakita sa lahat ang church wedding.

Saka dagdag pang pahayag ni Atty. Castelo, bakit ginamit naman daw ni Claudine ang marriage contract nila sa pag-file ng Temporary Protection Order kung fake naman pala ‘yun?

May isa pang pasabog si Claudine na meron daw nagtatangka ng buhay niya. Meron daw nagpaputok ng baril nu’ng nasa balcony siya, at ilang beses daw ‘yun.

Napanood ng abogado ni Raymart ang interbyung ‘yun, at sinabi rin nga ni Raymart na kung meron ngang ganu’ng insidente, eh ‘di sana pina-blotter niya ‘yun sa guard nila sa subdivision. Bakit hindi raw niya ito pinarating sa mga pulis o kahit a NBI? Tanong naman ng abogado ni Raymart. Kaya parang duda sila sa kuwentong ‘yan ni Claudine.

Pero tingnan na lang natin dahil sabi naman ng abogado ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio, documented daw lahat ‘yun kaya baka iparating nila ‘yan sa susunod nilang hearing.

Pati nga si Mommy Inday ay nagsalita na rin at matindi na naman ang mga binitiwang pahayag laban kina Gretchen at Marjorie Barretto.

Kaya mukhang malabo na ‘yan silang magkaayos, dahil ang dami na nilang sinabi laban sa isa’t isa.

Ang susunod na nga raw na mangyayari ay ang pag-file ni Raymart ng annulment case sa kasal nila ni Claudine. Doon naman daw ‘yan hahantong kaya abangan na lang natin kung kailan ito isasampa ni Raymart.

Naku! Abangan n’yo na lang sa Startalk dahil sinisikap pa rin naming magsalita si Raymart tungkol dito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING