Bagong gf ni Joey Marquez, nabuking sa burol ni Douglas!

ADVERTISING

Bagong gf ni Joey Marquez, nabuking sa burol ni Douglas!

Nagla-lunch sa Crate & Barrel sa San Francisco, USA ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres nu’ng sabay na mag-ring ang dalawang phone niya. Doon pa lang, nakaramdam na si Richard na there’s something wrong. Sina Gelli de Belen at ang tagamapahala niya noon ng Goma Cup na si Marilen Nuñez ang nagparating sa kanya ng masamang balita na patay na ang kanyang manager na si Douglas Quijano.

ADVERTISING

Pagdating daw niya sa Heritage Park at makita amg bangkay ni Tito Dougs, tumulo sa unang pagkakataon ang kanyang mga luha para sa pagyao ng kanyang mentor.

“Nu’ng nakita ko na siya. Parang it was a realization na talagang wala na siya. Ah… it dawned on me na parang ‘eto na ‘yun. Talagang totoo na. Kasi habang hindi mo siya nakikita, you’re still hoping na sana kuwento lang ito. Sana hindi ito totoo,” sey ni Goma.

Hanggang sa huling sandali ng buhay ni Tito Dougs, marami siyang relasyon sa showbiz na nabuo ulit. Una, ang mag-inang Ruffa Gutierrez at Anabelle Rama. Pangalawa, ang dating mag-asawa na sina Jomari Yllana at Aiko Melendez. Pangatlo, ang pagkakaroon ng closure nina Jomari at ex-girlfriend niyang si Pops Fernandez.

ADVERTISING

Mismong si Jomari ang nagsabi sa amin na lahat ng magkaaway na nagkikita sa burol ni Tito Dougs, nagkakaayos. Sayang lang at wala si Aiko nu’ng Wednesday night kung saan dumating si Ara Mina. Tinukso naman si Jomari nu’ng alukin niya ng wine at pagkain si Ara. Dumating din that night si Pops pero hindi sila nag-abot ni Ara. Ang nag-abot ay ang executive assistant ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte na nagkaroon din ng ugnayan kay Jom.

Sa burol din ni Tito Dougs nabuking ang latest na babae sa buhay ni Joey Marquez. Ipinaskel kasi ni Goma ang picture ni Tito Dougs na kasama si Joey at girlfriend niya ngayon na isang bank teller named Jane.

PERSONAL NA NABASA namin ang sulat na ipinadala ni EDSA People Power Commision (EPPC) Co-Chairman Christopher Carrion para sa male lead star ng Only You na si Diether Ocampo. It was letter of intent for Diet na kinukuha nila bilang Commissioner ng EPPC.

Nagkita naman kami ni Diet sa Araneta Coliseum bago siya maglaro sa Wowowee All-Star Olympics pero wala pang kaalam-alam si Diet tungkol dito.

“Hindi pa ako nag-confirm. Malaking responsibilidad ‘yan kaya dapat pag-isipang mabuti,” sabi ni Diet tungkol sa intensiyon na gawin siyang Commissioner ng EPPC.

It only goes to show na si Diet and his fellow co-stars na sina Angel Locsin atSam Milby ay patuloy na kinukuha ng iba’t ibang organizations, both public and private, to be their spokesperson. At walang duda na Angel, Sam and Diet are some of the most influential young actors, hindi lang sa advertisement at endorsements, but with and over their age and socio-economic demographics.

Ibig ding sabihin, hindi lang nakakuha ng malaking audience share ang teleserye nilang Only You na napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN dahil sa magandang script, acting at direksyon nito, kundi pati na sa magandang imahe na ipino-project ng mga artistang bida sa show. Kaya hindi rin malayo na maging pulitiko talaga si Diet someday.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

ADVERTISING