Bagong drama series ni Gabby Eigenamann, naudlot ang airing

Bagong drama series ni Gabby Eigenamann, naudlot ang airing

Gabby-EigenmannNAGPADALA PALA ng press release ang Corpcom ng GMA 7 na hindi na raw matutuloy ang airing ng bagong drama series ni Gabby Eigenmann sa March 22, Linggo.

Sa susunod na buwan na raw ito magsisimula, pero wala pang sinasabing exact date.

Tribute pa naman ito ni Gabby sa namayapa niyang amang si Mark Gil.

Kasama rin dito sa InstaDad ang mga bagong Kapuso cutie girls na sina Gabbi Garcia, Ash Ortega, at Jazz Ocampo.

Napansin kong sobrang ganda nitong si Gabbi na puwede talaga siyang maging beauty queen.

Iyun pala isa sa mga wish ni Gabbi na sumali sa mga beauty contest at maging beauty queen.

Masyadong bagets pa siya dahil 16 years old pa lamang daw siya. At least marami pang taong mapaghandaan niya. Huwag lang sanang mabuntis, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis